• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kautusan ng DILG na hindi ipaalam ang brand ng COVID 19, binatikos ng CBCP

Hindi sang-ayon ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa kautusan sa Local Government Units na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna.

 

 

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, na siyang Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, hindi ito patas para sa mamamayan lalo na’t hindi pa rin nawawala sa mga tao ang pangamba kaugnay sa bakuna.

 

 

Iginiit ng Obispo na karapatan ng mga taong malaman ang gamot na gagamitin sa kanila, para na rin sa kapanatagan ng kalooban lalo na ngayong pandemya.

 

 

“By the looks of it, it’s not just. We should know which vaccines are we being inoculated with,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

 

 

Nauna namang nilinaw ng Department of Health na ang mga tatanggap ng bakuna ay kanilang aabisuhan tungkol sa brand ng bakuna bago ito mismo ibigay sa kanila.

 

 

Magugunitang ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government sa lahat ng LGUs na huwag i-aanunsyo ang mga brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna kasunod ng rekomendasyon ng DOH.

 

 

Ito’y matapos dumagsa ang mga tao sa vaccination sites sa Parañaque at Maynila nang malamang ang pinapamahaging brand ng vaccine ay sinasabing mas epektibo laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, patuloy namang nananawagan ang CBCP sa pamahalaan na palaganapin ang information drive tungkol sa COVID-19 vaccine.

 

 

Ito’y upang mas mapaigting ang kaalaman at tiwala ng publiko lalo na’t ang karamihan ay nangangamba pa ring magpabakuna dahil sa maaaring maging epekto nito sa katawan ng tao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, inatasan ang Water Resources Management Office (WRMO) na bumuo ng plano

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Water Resources Management Office (WRMO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumuo ng komprehensibong plano para protektahan ang coastal communities at Kalakhang Maynila mula sa pagbaha kabilang na ang konstruksyon ng water impounding facilities para pangasiwaan ang water resources ng bansa.     Ang […]

  • DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY

    PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila   Kinilala ang biktima na si  Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.   Sa ulat ng Manila Police District […]

  • ‘Di man pasok sa GFH: 3 sangay ng ahensya sa Maynila, popondohan

    POPONDOHAN ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Bureau of Jail Management, Department of Social Welfare and Development at Manila Police District (MPD) para sa kanilang Peace and Order Council.   Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, umaabot sa halos P40 milyon ang ilalaang pondo sa isinagawang pagpupulong ng ilang opisyal ng Manila City […]