Kaya ayaw niyang makatrabaho: CLAUDINE, inaming masama pa rin ang loob kay ANGELU
- Published on January 31, 2024
- by @peoplesbalita
NAWINDANG ang karamihan sa mga bisita sa party para sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas sa mga binitiwang salita ni Claudine Barretto nang tawagin ni Gladys ang aktres para magbigay ng speech sa kanilang mag-asawa.
Nabanggit ni Gladys ang tungkol sa pangarap niya na reunion movie with Claudine at Judy Ann Santos.
At sa sinabi ni Gladys na, “Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?” ay na-shock ang lahat sa tugon ni Claudine…
“No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”
“Huh? Talaga ba,” ang tila nabiglang reaksyon ni Gladys sa sinabi ni Claudine.
“Oo. Bakit sinali mo yun?” ang muling sagot ni Claudine.
“Teka lang! ang natatawa pero halatang tensyonadang bulalas ni Gladys.
Magsasalita pa sana si Claudine, pero ibinaba ni Gladys ang kamay ni Claudine na may hawak na mikropono.
“Luka-luka talaga ‘to e,” ang pagdyu-joke ni Gladys upang maibsan ang tensyon.
“Wala ka nang masabi, ‘no? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang yun,” muling hirit ni Claudine.
“Ikaw ha, ang suplada mo na ulit,” ang tumatawa namang reaksyon muli ni Gladys sa sinabi ni Claudine na muling sinagot ni Claudine ng, “Hindi ako suplada. Nagsasabi lang ako ng totoo.”
Iniiwas na ni Gladys ang isyu sabay-sabing, “Ayaw mong isama sina Wowie tsaka si Vhong,” na pagtukoy sa nasa stage rin na sina Wowie de Guzman at Vhong Navarro.
Na sinagot ni Claudine ng, “Ay siyempre, puwede naman, huwag lang si Angelu.”
Tinawag na ni Gladys ang iba pang bisitang artista na umakyat ng stage.
Halos nag-aalisan na ang mga bisita nang nagkaroon kami ng pagkakataon na mainterbyu si Claudine na nagpaunlak naman.
Una muna ay hiningan muna namin si Claudine ng pahayag tungkol sa selebrasyon nina Gladys at Christopher.
“First of all gusto ko siyempreng mag-happy anniversary kay Gladys at tsaka kay Christopher at mag-happy birthday kay Christophe.”
Isinabay rin sa pagdiriwang ang 18th birthday ng panganay na anak na lalaki nina Gladys at Christopher na si Christophe.
Lahad ni Claudine, “Ang tagal na naming magkaibigan ni Gladys at saka ni Christopher. Through thick and thin nandiyan kami talaga para sa isa’t isa.
“So, ngayon naman yung mga anak namin ang magkakabarkada. Si Christophe, si Sabina.
“Si Santino na ayaw ang kamera, ayaw ng events, pumunta siya dito kanina. Pero nauna na siyang umalis, pag-alis ko ng bahay pabalik na siya, e.
“Para sa Ninang Gladys niya at kay Christophe at kay Christopher.
“So, happy ako kaya nandito ako.”
Dito na nausisa si Claudine kung ano ang nangyari sa stage na ikinagulat ng lahat na mga pahayag niya tungkol kay Angelu.
Umpisang tila paiwas na pakli ni Claudine, “No, matagal na talaga namin gusto ni Judy Ann gumawa ng pelikula alam naman ng lahat ng tao yun, and it’s in the works already.
“Pero ano tawag nito… ang alam ko lang talaga siyempre Judy Ann ako, si Gladys, Gladys kasi palagi naman sa aming dalawa lagi, di ba?
“So, yun lang. Yun lang yung mga kasama sa pelikula. “Yun lang ang masasabi ko.”
Bakit tila iba ang reaksyon niya nang banggitin ang pangalan ni Angelu?
Dito na nagkuwento si Claudine.
“Kasi, not for anything… actually ayoko na siyang pag-usapan. Pero alam mo, ilang taon na yan, e. Paulit-ulit lang.
“Dalawa lang yan, alam mo unang-una, ayoko na sanang pag-usapan ano pero ako, transparent ako. Napaka-transparent kong tao.
“There are two instances. Nung nagkaproblema kami ni Jolina [Magdangal] at tsaka nung nagkaproblema kami ng mga kapatid ko.
“Na both times may presscon siya noon. At tsaka, nagbigay siya ng advice for me. Through the press people sa presscon na hindi ako… na I didn’t belong to.
“I didn’t belong sa kung ano man yung pinu-promote niya doon.”
“Buti kung isang beses e, pero dalawang beses. So, parang ang akin, anong pakialam mo doon, di ba?
“Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba? Career mo ang pag-usapan mo, huwag yung career ko. Yun lang ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho.”
Nagkasama noon sina Claudine at Angelu sa youth-oriented show na Ang TV ng ABS-CBN.
“Kasi, parang hindi na siya nagbago. Nung bata pa lang kami hanggang ngayon, ayan si Bianca, o. Ganun pa rin siya.”
Ang kaibigang aktres na si Bianca Lapus ang tinutukoy ni Claudine na nakaupo malapit sa amin.
Patuloy ni Claudine tungkol kay Angelu, “Kaya nung nagkita kami dati, hindi ko na siya pinansin.”
Sa Podium noong 2015 kung saan palabas ang pelikulang Etiquette for Mistresses ang tinutukoy ni Claudine.
Nag-isnaban sila?
“Hindi, lumapit siya, I walked away. Hindi ako plastik.”
Alam daw ni Angelu ang dahilan ng pang-iisnab sa kanya ni Claudine.
“Alam niya. I was trying to call her, e, after those two incidents na yun,” kuwento pa ni Claudine.
Hindi raw sinagot ni Angelu ang mga tawag niya.
May isyu ba si Angelu sa kanya?
“Problema niya na yun. Hindi ko alam kung saan.”
Hindi alam ni Claudine na nasa party rin nina Gladys, Christopher at Christophe si Angelu. Wala na si Angelu noong dumating si Claudine.
Lahad pa ni Claudine tungkol sa mga pangyayari, “Ako sa totoo lang ako, sa totoo lang ako, hindi ako plastic na tao.”
Puwede pa ba silang maayos?
“Alam mo matatanda na kami, maayos naman kami pero para yung pagkakaibigan, close, magtawagan,” at umiling si Claudine, “iyon lang.”
Bukas ang pahinang ito para sa panig naman ni Angelu.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea
OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea. Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez […]
-
Ads July 28, 2021
-
PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM
IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes. Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]