Kaya masayang-masaya ang AlDub fans: ALDEN at MAINE, muling nagkasama bilang endorsers at nag-shoot din ng TVC
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MASAYA at labis ang pasasalamat ng mga fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na after ng huling endorsement nila na isang delivery service, ay muli silang magkasama ngayon.
Naging endorser din sila ng isang selling app, pero photo shoots lamang iyon at minsan silang nagkasama sa monthly live presentation nito.
But this time, ikinatuwa ng AlDub fans nang pagsamahin sila ng Vivo Philippines as their new endorsers at magkasama sila sa shoot ng TV commercial ng Vivo V23 Series 5G.
Magkakaroon sila ng grand digital launch this Saturday, February 12, 7PM as a Valentine’s Day treat sa mga fans nila. Mapapanood ito sa facebook.com live/vivo Philippines.
Marami na raw ang nag-advance orders ng unit na sabi’y may four colors, na makukuha na rin nila this Saturday sa distributor nito.
***
FINALE night na ngayon ng romantic-drama series na I Left My Heart in Sorsogon.
Starring Heart Evangelista (Celeste), Richard Yap (Tonito) at Paolo Contis (Mikoy), may nabuong Team Tonito at Celeste at Team Mikoy at Celeste.
Pero malakas ang clamor ng Team Tonito dahil mas mahal daw talaga ni Tonito si Celeste kaysa kay Mikoy. Nagparaya si Tonito kung ano raw ang gusto ni Celeste, pero siya ay laging magmamahal sa kanya, sundin daw nito kung sino talaga ang mahal niya.
At siguro ay magkakaroon na rin ang linaw sa relasyon nina Sebastian (Mavy Legaspi) na brother ni Celeste at ni Tiffany (Kyline Alcantara), ang anak naman ni Tonito.
Ngayong finale na ng romantic series, tiyak na may time nang mangampanya si Richard next month na tumatakbong Congressman sa North District, ang first congressional district ng Cebu Province.
***
BACK to work na si Kapuso actor Mikael Daez pagkatapos siyang mapanood sa primetime top-rating drama series na Love of My Life na nakasama niya sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Tom Rodriguez at si Ms. Coney Reyes.
Si Mikael ang napiling mag-host ng The Best Ka! na magpapakita ng mga kahanga-hanga at mga world’s record-holders na ikaaaliw ninyong panoorin. Magsisimula na itong mapanood sa Sunday, February 20, 3:30 PM sa GMA-7.
Sa ngayon ay napapanood si Mikael sa replay ng Ang Lihim ni Annasandra, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Little Princess.
Very soon ay isang singing competition na iho-host nila ng asawa na si Megan Young.
***
MAS masama ang character ni Aiko Melendez as Kendra, na napapanood muli sa Prima Donnas, ngayong nasa second season na sila ng top-rating afternoon prime last year.
Kung masama na ang character niya noon, mas matindi pa ang character niya ngayon, kaya ang mga televiewers, nagbalik lalo ang galit sa kanya.
Kaya pala nagsabi na agad siya na abangan ang bagong Kendra, dahil makikita na ang pasabog ni Aiko sa transformation ng character niya bilang bagong Kendra, sa tulong ni Bethany (Sheryl Cruz).
Ang Prima Donnas ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM, after Eat Bulaga.
(NORA V. CALDERON)
-
Jordan napiling magbigay ng Hall of Fame award kay Bryant
Napili si NBA legend Michael Jordan na maghandog ng Basketball Hall of Fame award sa yumaong si Kobe Bryant sa susunod na buwan. Kabilang kasi ang dating Los Angeles Lakers star sa gagawaran Hall of Fame class of 2020 kasama sina Tim Duncan at Kevin Garnett sa darating na Mayo 15. […]
-
Eala umukit ng kasaysayan!
GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event. Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]
-
Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity
TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong Ulysses. “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga […]