Kaya nagtagal at maituturing na iconic actress: DINA, minahal at niyakap ang talentong binigay ng Diyos
- Published on April 20, 2023
- by @peoplesbalita
ISA sa maituturing na iconic actress ng Pilipinas si Dina Bonnevie; sa palagay niya, bakit siya nagtatagal sa industriya?
“Ako simple lang, siguro kasi mahal ko yung trabaho ko, talagang niyakap ko and tinanggap ko yung binigay sa aking regalo ng Panginoon.
“Kumbaga He gave me the gift of acting, parang… hindi ko kinailangan ng acting coach, bata pa ako umaarte na ako, parang I just honed my craft, parang God gave me this talent, mas hinasa ko pa, mas pinahusay ko pa.
“And then yun, it’s just simple na I love what I do, so because I love what I do inaaral ko ang script, hindi ako nale-late, I come on time, nakikibagay ako sa mga kasama ko sa set. Nakikihalubilo ako, iniintindi ko ang bawat miyembro ng cast, kung meron man isang may pinagdadaanan diyan iniintindi ko, yung ganun.
“Parang you already know that when you belong to a cast you belong to a family, this is your new family and you have to embrace kung ano man… kung ano yung parang ‘unwritten rules’, di ba?
“Sa bawat cast merong unwritten rules, pero mababasa mo yun e, pag nakipaghalubilo ka sa kanila, nakipag-usap, malalaman mo na, ‘Ay ito pala ang parang norm sa set, ito ang unacceptable’, and makikibagay ka dun.
“So I guess rule of thumb lang talaga, love your work and you’ll do what you need to do,” pahayag ni Dina na gumaganap na Giselle Tanyag sa GMA top-rating series na ‘Abot Kamay Na Pangrap.’
***
NAGAWA ni Ken Chan ang gusto niya sa pelikulang ‘Papa Macot.’
“Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye. At masaya po ako.
“May mga kaibigan po akong mga aktor na gumagawa ng mga ganitong pelikula po, at nakikinig po ako sa kanila.
“Lagi ko pong naririnig yung mga kuwentuhan nila, ‘Hah! Ang sarap sa pakiramdam! Grabe, ganito pala ang pakiramdam!’
“Ang sarap na magawa mo lahat ng gusto mong sabihin! Lahat ng gusto mong ikilos o ipakita sa pelikula, dahil walang limitasyon.
“Pero naiintindihan ko naman po yun. Ganun po talaga ang sistema ng pelikula at ng TV series. May mga kailangan po tayong sundin.
“Pero ako po, masasabi ko po na nagawa ko at nakalaya po ako doon sa gusto ko pong gawin.
“Pero me as an actor doing a TV series, I’m also blessed and thankful dahil de kalibre din naman po ang mga pino-produce ng GMA Network.
“And I’m just so blessed na nagagawa ko po yun, both worlds.”
Co-producer si Ken ng ‘Papa Mascot’; unang beses niya itong maging producer ng isang pelikula.
“And I’m just so proud to say na pinasok po namin ang venture na ito bilang pagiging producer with Miss April [Martin] and Miss Pauline [Publico].
“Wide International Film, this is our first project, at proud na proud po akong sabihin na I’m part of this project not only as an actor but also as a co-producer.
“And as a co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami, yung mga creative juices po namin, pinagsasama-sama po namin kung ano man yung mga materyal na gusto naming gawin, also with direk Louie Ignacio.
“Kung ano ba yung mga kuwento pa na gusto naming ipakita sa mga viewers. Ano pa ba yung mga kuwento na hindi pa naikukuwento?
“Marami! Marami kaming gustong mga plano. Romantic comedies, horror, action, more dramas, about family, about love.
“And abangan niyo po yun. Yun ang dapat niyong abangan,” masayang wika pa ni Ken, the actor/producer.
Si Dennis Evangelista ang line producer movie na ipapalabas sa mga sinehan sa April 26.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos
Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente. Nobyembre […]
-
Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader
Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC). Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]
-
Tineg, Abra niyanig ng magnitude 6.7 na lindol
NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindolo ang Tineg, Abra. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdaman ang lindol dakong 10:59 ng gabi na may lalim na 28 kilometers. Naramdaman ang intensity 5 sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity 4 sa lungsod ng Baguio. Pinawi naman ng […]