Kaya simple ang celebration nila ni DOMINIC: BEA, on strict diet bilang paghahanda sa movie nila ni ALDEN
- Published on February 1, 2022
- by @peoplesbalita
CONGRATULATIONS to Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa success ng kanyang documentary concert, na siya ang producer at hands on sa lahat ng paghahanda sa show na ginanap last Sunday, January 30.
Umani ng papuri ang ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr. na ipinakilala ni Alden ang sarili niya at ang mga pinagdaanan niya simula nang pasukin niya ang showbusiness.
Binati rin siya ng netizens na nanood ng concert, sa magandang presentation ng show.
Comment ng netizen, “Sarap sa puso panoorin, very inspiring, ang husay, ang galing, ganda! Nandoon na lahat, life changing. Sana ipalabas ulit at panonoorin ko po ulit. Congratulations po sa inyo!”
Alden thanked naman lahat ng mga sumuporta at nanood ng docu-concert.
Ipinangako ni Alden na ang lahat ng proceeds ng docu-concert ay ilalaan niya sa mga pag-aaralin niyang mga estudyante ng kanyang AR Foundation.
Pero back to work agad si Alden kinabukasan after ng concert, January 31, dahil nag-shoot na siya para sa online selling app na Lazada, kasama sina Bea Alonzo at Kathryn Bernardo.
Sa pagbabalik nang live ng Eat Bulaga wish ng fans nila ni Maine Mendoza na makapag-guest muna siya bago siya magsimula ng quarantine nila ni Bea para sa lock-in shoot ng movie na gagawin nila for Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Special Moments.
***
KAYA naman ang new leading lady ni Alden Richards, si Bea Alonzo ay naghahanda na rin para sa pagsasama nila sa trabaho.
The other day ay nag-celebrate si Bea at ang boyfriend na si Dominic Roque ng first anniversary nila as sweethearts. Naiiba ang celebration dahil hindi ito dinner sa isang sikat na restaurant, sa halip, dahil parehong mahilig sa arts, pinasyalan nila ang Pinto Museum sa Antipolo City.
Tiniis daw nila ang init ng panahon, pero nag-enjoy daw sila. Kaya may nagtanong sa IG story ni Bea bakit ganoon lamang ang celebration nila.
Sagot ng actress: “strict diet kasi ako, in preparation sa start ng lock-in shooting namin ni Alden ng movie this February.”
Pero tulad ni Alden, tinapos din muna ni Bea ang mga TVC shoots niya ng mga endorsements niya at thankful siya sa mga bago pang endorsements na dumating na tinapos na rin niya ang shoot, dahil araw lamang ang pagitan sa pagsisimula rin ng lock-in taping nila ni Alden for their first teleserye sa GMA Network, after ng movie shoot nila.
***
ISA ring queen of endorsements si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Everytime na magbukas ka ng Instagram at IG stories niya, may makikita kang iba’t ibang bagong product na ini-endorse niya, kasama na ang isang health card na kailangan natin sa mga panahong ito.
Pero hindi rin nagpapahinga si Marian, pagkatapos nilang mag-anak na gumaling sa Covid-19, back to work na rin sila ng husband niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Nag-tape na si Marian ng spiels niya ng bagong episodes ng OFW documentary na Tadhana na si Dingdong naman ang nagdirek at last Saturday nga, nagsimula na itong mapanood sa GMA-7, after ng Prima Donnas.
Meanwhile, marami nang nag-aabang kung ano ang magiging finale ng Primetime series na I Can See You: AlterNate, na gumaganap sa dual role si Dingdong, as Nate and Michael. Napapanood ito gabi-gabi, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.
(NORA V. CALDERON)
-
2 pushers kulong sa baril at shabu
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). […]
-
Aplikante sa 1st WNBL Rookie Draft 2020-21 tinatanggap na
PUWEDE nang magsumite ng aplikasyon ang mga babaeng baller ng bansa para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2020 na idaraos sa darating na Oktubre. Maaring mag-download ng application form sa NBL-Pilipinas Facebook page na facebook.com/nblphil. Lahat ng players na nagnanais makapaglaro sa liga’y dapat na makapagsumite ng fill-out forms at […]
-
KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER
WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards. Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized. Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na […]