Kaysa umasa sa imported: Mass-production ng face masks, itutulak
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
DAPAT ikunsidera ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng bansa sa mabilis na paggawa ng o mass-production ng face masks kasunod na rin sa nagaganap na worldwide shortage ng anti-viral personal device.
“Our sense is, it might be practical for the government itself to be ready all the time to steadily produce large quantities of face masks, not just to help us fight off COVID-19, but also other highly infectious respiratory diseases that might emerge in the future,” ayon kay Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor.
Hindi aniya dapat umasa habangbuhay sa imported supplies sa panahon ng potential global health emergencies.
Ang pahayag ni Defensor ay kasabay na rin sa pangangarag ng mundo sa pag-import at pag-imbak ng masks, kung saan ang Tsina ay nagpakuha ng 1.2 bilyong piraso.
Habang ang Thailand at iba pang bansa na gumagawa ng face masks ay nagbabawas na rin sa kanilang exports para masigurong may sapat silang lokal na suplay.
“Large private manufacturers in India are able to mass-produce the masks for as low as P1.00 (or two US cents) apiece, so cost should not be an issue if the (Philippine) government itself resorts to fabricating the device,” ani Defensor.
Dapat aniyang ikunsidera na ng gobyerno ang pag-import ng mask-making machines at maghanap ng paraan para masiguro ang patuloy na suplay ng raw materials para sa produksyon nito.
Una nito, ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Enero 31 ang Philippine International Trading Corp. (PITC) na maghanap ng paraan para makakuha ng 5 milyong face masks mula sa ibang bansa para mapunan ang local supplies, lalo na para sa mga health workers.
Ngunit, nananatiling malabo aniya kung nakakuha nga ang PITC ng nasabing supplies. Samantala, dahil sa overpricing ay ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na ipasara ang apat na tindahan na nagbebenta ng face mask.
Ang mga nasabing tindahan ay Ambitrend Trading, Cloud 7 Store, Cathay Oriental Chinese Store at LVD Chinese Drug Store na nasa isang mall sa Divisoria kung saan ni-raid ng Manila Police District (MPD) Special Mayor’s Reaction Team dahil sa mga sumbong ng overpricing ng mga mask.
Ayon kay Levi Facundo, Hepe ng Bureau of Permit ng Maynila, ang pagpapasara sa mga nasabing tindahan dahil sa mga nakitang paglabag sa kanilang business permit.
Sinabi pa ni Facundo na naisilbi na rin nila ang show cause order sa MEC Medical Supply, New Genesis Medical Supplies, Medical shop at Citimed Polyclinic & Drugstore dahil sa reklamo ng overpricing ng mga face mask.
Sumagot na rin naman aniya ang mga ito sa show cause at naipasa na nila sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa ngayon, hinihintay na lang aniya nila ang sagot ng DTI kung ano ang magiging rekomendasyon nito.
Hindi kasi maaaring basta magpasara ng business establishment ang Manila City Government hangga’t walang rekomendasyon ng DTI. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA
MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes. Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera […]
-
COMELEC OFFICE SARADO DAHIL SA COVID
SIMULA noong March 11 ay pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa mga nagpositibong mga kawani nito sa COVID-19. Bukod sa main office, sarado rin ang opisana ng Regional Election Director of National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang Marso 24, 2021. […]
-
BIANCA, mas ganadong gumiling-giling sa TikTok videos dahil kanyang 1.2M followers
KAYA ganadong gumiling-giling sa TikTok videos niya ang Legal Wives star na si Bianca Umali dahil umabot na sa 1.2 million ang followers niya sa naturang video-sharing app. Noong 2015 pa may account si Bianca sa TikTok pero na-hack daw ito. Noong mabalik ang account niya, hindi raw niya ito masyadong binigyan din […]