• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot huli sa akto sa pampasabog sa Valenzuela

BINITBIT sa selda ang isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

 

 

Kinilala ni PSMS Roberto Santillan ang naarestong suspek na si Marlon Dela Cruz, 29 at residente ng Doque St., Brgy., Malanday ng lungsod.

 

 

Sa report nina PSSg Julius Congson at PCpl Raquel Anguluan kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Malinta Police Sub-Station 4 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Doddie Aguirre hinggil sa isang lalaki na nagbebenta umano ng granada sa Makisig St., Area 1, Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS4 sa pangunguna ni PSMS Santillan kung saan nakita nila ang suspek na may kausap na isang lalaki habang may hawak na granada dakong alas-10:30 ng umaga.

 

 

Nilapitan siya ni PSMS Santillan saka inaresto at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang Grenade Hand Fragmentation MK2 HE bago humingi sila ng tulong sa Station Explosive and Canine Unit (SECU) para ligtas at maayos na maturn-over ang nasabing pampasabog.

 

 

Ipinadala ni Col. Destura sa Regional Explosive Canine Unit ng National Capital Region Police Office (RECU-NCRPO) upang masuri kung aktibo at sasabog pa ang granada.

 

 

Ani PSMS Santillan, kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal/Unlawful Possession of Explosive) ang isasama nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • JANNO, may naka-relasyon na tomboy at may nagyaya na makipag-threesome; Direk DARRYL, na-intimidate sa tatlong stars

    AMINADO ang singer/comedian at TV host na si Janno Gibbs na may kakaibang nerbiyos ang naramdaman nang i-offer sa kanyang ng Viva Films ang 69+1, ang kakaibang sex-comedy film na never pa niyang nagawa sa buong movie career.     Kahit nga hindi siya ang original choice sa gumanap na Apol na isang photographer, siya […]

  • DEPRESYON AY KAMATAYAN

    NITONG nakalipas na linggo, halos sunud-sunod ang naiulat na kaso ng pagpapakamatay na kabilang sa pinakahuling naitala ay ang estudyanteng lalaki na tumalon mula sa pinakatuktok ng gusali ng isang city hall.   Tulad ng inaasahan, mabilis na kumalat ang balita sa pamamagitan ng social media kung saan bukod sa mga larawan ay may video […]

  • Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics

    Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak.     Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.     Sinabi ni Diaz na nalungkot […]