• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot kulong sa pagbebenta ng bari sa Caloocan

BINITBIT sa selda ang isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap sa Caloocan City.
Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala sa chamber.
Ayon kay Col. Lacuesta, isinagawa ang entrapment operation dakong alas-3 ng madaling araw sa harap ng tirahan ng suspek sa Phase 1 Package 4, Lot 10, Brgy. 176 matapos kumagat sa pain ng pulisya si Otep.
Nakarating ang impormasyon sa mga tauhan ni Col. Lacuesta ang ginagawang ilegal na pagbebenta ng armas ng suspek kaya’t halos isang linggo silang nagsagawa ng paniniktik at pagmo-monitor sa kilos ni Otep bago naisagawa ang transaksiyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Other News
  • Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila

    Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19.     “Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi […]

  • Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games

    NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France.     Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi  sa pasaway na International Weightlifting […]

  • Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law

    MATAPOS  ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.     Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho […]