• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na nanakit at nanutok ng baril sa lolo, bistado na may arrest warrant

MATAPOS madakip dahil sa pananapak at panunutok ng baril sa isang lolo, sinilbihan naman ng pulisya ng dalawang warrant of arrest ang isang kelot sa loob sa custodial facility ng Malabon Police Station.

Walang piyansang inirekomenda si Malabon Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Josie N. Rodil ng Branch 293 nang ilabas ang arrest warrant noong Mayo 27, 2022 laban kay alyas “Erron”, 33, dahil sa kasong murder habang may inilaan namang piyansa na P30,000 si Judge Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto ng Metropolitan Trial Court Branch 120 para naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling laban sa akusado na inilabas noong Nobyembre 15, 2022.

Nauna rito, dinakip ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan si alyas Erron na unang nagpakilala bilang alyas “Jhon”, kasama ang kasabuwat na si alyas “Kym”, matapos sapakin at tutukan ng baril ang 66-anyos na si Lolo “Lauro” na nakiusap lang na ibalik ng dalawa ang inalis na takip ng kanal sa daraanan niyang eskinita.

Nakumpiska ng mga nagrespondeng miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) team sa mga suspek ang dalawang kalibre .45 baril na may tig-apat na bala sa magazine nang magreklamo ang biktima.

Nang dalhin sa presinto, itinago ni alyas Erron ang kanyang tunay na pangalan bunga ng pagiging wanted sa batas at nakatala ang kanyang tunay na pangalan bilang No. 2 Top Most Wanted Person sa National Capital Region (NCR). (Richard Mesa)

Other News
  • DOTr: Consultancy contract ng Mindanao Railway nilagdaan

    Nilagdaan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ang consortium ng China Railway Design Corp and Guangzhou Wanan Construction Supervision Co. Ltd. ang project management consultancy contract na siyang unang bahagi ng Mindanao railway project.       “The DOTr is now bringing the Mindanao rail project to life and will very soon be […]

  • Kelot todas sa pakikipagbarilan sa pulis sa Caloocan

    Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong […]

  • Fernando, nag-inspeksyon sa iligal na quarry operation sa bayan ng Santa Maria

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Degala at Police Major June Tabigo-on ng Philippine National Police sa illegal quarrying operation sa Sitio Alimasag, Brgy.Camangyanan, Santa Maria, Bulacan kaninang umaga.     Sa isang operasyon na pinangunahan ng […]