Kelot na nanggulo habang armado ng sumpak, swak sa selda
- Published on April 9, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City.
Dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas “Topak” habang may bitbit na isang sumpak.
Ayon kay Caloocan police chief Ruben Lacuesta, kaagad itinawag ng isang concerned citizen sa lugar ang pagwawala ng suspek na dahilan upang respondehan ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 na nakakasakop sa lugar.
Pagdating sa lugar ay naabutan ng mga pulis, kasama ang ilang barangay tanod ang suspek na palakad-lakad at patuloy sa pagwawala habang hawak ang isang baril na dahilan upang dambahin kaagad siya ng mga otoridad.
Nakumpiska sa suspek ang isang improvised shotgun na may karga pang isang 12-gauge na bala.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Ads August 24, 2020
-
MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa health at safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat […]
-
PDU30, inatasan si SolGen Calida na magsumite na ng request letter sa COA para i-audit ang PRC
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Solicitor General Jose Calida na kaagad na maghain ng request letter sa Commission on Audit (COA) para agad na masimulan ang pagbulatlat sa financial records ng Philippine Red Cross (PRC). “The next step would really be the letter to be delivered to the COA by Solicitor General […]