• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog

ARESTADO ang isang construction worker na pangunahing suspek na pumatay sa isang babae at malubhang ikinasugat ng kasama nito makaraang masukol ng pulisya sa kanyang tirahan sa Valenzuela City.

 

 

 

 

Sa ulat, inabangan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang 40-anyos na si alyas “Rey”, sa kanyang pag-uwi sa kanyang tirahan sa De Gula Compound, Brgy. Gen. T. De Leon, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng hukuman, na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

 

 

 

Batay sa rekord ng pulisya, nag-iinuman sa kanilang tirahan sa Paraffort, Brgy. Gen. T De Leon ang biktimang sina alyas “Lorelyn” at alyas “Ronnel”, kasama ang dalawa pang saksi noong gabi ng Mayor 20, 2024 nang pasukin ng akusado at walang habas na pinagbabaril ang dalawa.

 

 

 

Matapos ang pamamaril, tumakas ang lalaki, sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasabuwat habang dinala ang mga biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan idineklarang patay na ang babae sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nagpapagaling pa si Ronnel.

 

 

 

Ayon kay Cayaban, sa ginawang imbestigasyon nina P/Cpt Armando Delima, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), nakilala nila ang gunman na si alyas Rey nang magsagawa ng backtracking sa kuha ng mga CCTV sa lugar, pati na ng testimonya ng mga testigo kaya’t isinampa nila ang kasong murder at frustrated murder sa piskalya ng Valenzuela.

 

 

 

Nang umakyat sa korte ang kaso, naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela City Regional Trial Court Presiding Judge Elena Alcantara Amigo-Amano ng Branch 282 noong Hulyo 5 laban kay ‘Rey’ na walang inirekomendang piyansa sa kasong murder habang naglaan ng P200,000 piyansa sa kasong frustrated murder. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, labis na nabahala sa Paeng death toll sa Maguindanao

    NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mataas na  fatality count sa Maguindanao province  dahil sa  pagbaha  sanhi ng pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng.     Sa isinagawang  full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Sabado, Oktubre 29, hiningan ng reports ng […]

  • Magkapatid na paslit patay sa sunog sa Caloocan

    NASAWI ang isang 7-anyos na batang babae at kanyang 2-anyos na kapatid na lalaki sa naganap na sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Ang sunog na katawan ng mga biktimang sina Jumina Jean Corado at kanyang kapatid na si Brix Tyler, na unang iniulat ng kanilang […]

  • SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin

    BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP).   Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. […]