Kelot na umiwas sa multa, laglag sa selda sa Caloocan
- Published on March 20, 2024
- by @peoplesbalita
SA halip na multa lang, sa loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa kahabaan ng Phase 8A, Bagong Silang, Brgy., 176, dakong alas-8:30 ng gabi nang matiyempuhan nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), nagtangka itong tumakas subalit, nagawa rin siyang makorner ng humabol na mga pulis at dito nila napansin ang puluhan ng baril na nakausli sa kanang baywang ng suspek na si alyas “Boy”.
Kaagad kinumpiska ng mga pulis sa suspek ang dalang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng naturang armas ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya sa selda.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pinaigting na police visibility sa lungsod bilang tugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Richard Mesa)
-
Ukraine wala pang balak na isara ang kanilang airspace
WALANG plano ang Ukraine na isara ang kanilang airspace kahit na may nagaganap na tensiyon sa pagitan nila ng Russia. Ayon kay Mykhailo Podolyak, ang adviser ng chief of staff ng pangulo ng Ukraine, na hindi pa mahalaga ngayon ang nasabing hakbang. Ipapaubaya rin ng gobyerno ng Ukraine sa mga airline […]
-
Operasyon ng MRT 3 hinto muna
Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected. Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line. “The shutdown may be extended […]
-
DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS
MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024. Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump. Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na […]