Kelot na wanted sa rape sa Caloocan, tiklo
- Published on January 19, 2025
- by Peoples Balita
ISANG 49-anyos na lalaki na kabilang sa Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) ang arestadi nang matunton ng pulisya sa kanyang tirahan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Tinangka pang isarang muli ni alyas “Paul” ang pintuan ng tinutuluyang bahay sa Kaagapay Road, Brgy. 188 nang matunugang mga pulis ang kumakatok at pinagbuksan niya ng pinto pero nabigo na siya dahil naging alisto ang mga tauhan ni P/Col. Edcille Canals, ang bagong upong hepe ng Caloocan City Police.
Iprinisinta kaagad ng mga operatiba ng Sub-Station-14 ng Caloocan police kay alyas Paul ang warrant of arrest na inilabas nito lang Lunes, Enero 13, 2025, ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Branch 129 dahil sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code o Rape.
Ani Col. Canals, walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ni alyas Paul na ngayon ay naka-detine sa Tala Police Sub-Station-14 habang hinihintay pa ang paglalabas ng kautusan ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.
Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang mga operatiba ng Caloocan police sa mabilis na pagkakadakip sa akusado na aniya ay patunay sa kanilang pangako na dakpin ang mga wanted na kriminal upang mapanatili ang katahimikan at maging ligtas sa anumang panganib ng bawa’t komunidad. (Richard Mesa)
-
7 patay sa wildfire sa West Coast sa US
Nasa pitong katao na ang patay habang ilang libong kabahayan na ang nasira sa nagaganap na wildfire sa West Coast sa US. Tatlo sa mga biktima ay mula sa Northern California habang ang iba naman ay sa Oregon. Nagkukumahog ang 3,000 na bumbero para tuluyang apulahin ang 100 major wildfire sa Oregon. […]
-
Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday
BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31. Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama. “Thank God that ‘Artikulo 247’ is airing and we’re getting good feedback from […]
-
Victory Liner Grabs Campaign Asia’s Top Brand for Customer Experience
With a rich history spanning 78 years in the transportation industry, Victory Liner, Inc. (VLI) has established itself as a premier service provider, renowned for its exceptional offerings. Recognized as Campaign Asia’s top brand for customer experience, VLI epitomizes unwavering commitment to excellence. Over decades, the company has consistently set industry standards […]