• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na wanted sa rape sa Dipolog City, nabitag sa Valenzuela

NATAPOS na ang 21-taong pagtatago ng isang puganteng manyakis na nahaharap sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Zamboanga del Norte nang matunton ng pulisya ang kanyang pinagtataguang sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Valenzuela Acting Police Chief P/Maj. Amor Cerillo, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa pinagtataguan lugar sa lungsod ng akusadong si alyas “Kanor”.
Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Major Randy Llanderal saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:20 ng gabi sa Esteban North St., Brgy Dalandanan.
Ani Major Llanderal, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Soledad A. Acaylar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7, ng Dipolog City na may petsang Setyembre 30, 2003, para sa kasong Rape.
Napagalaman na bago pa man lumabas ang arrest warrant sa akusado kaugnay sa kasong panggagahasa sa kanilang lugar sa Dipolog City, Zamboanga del Norte, noong taong 2003, lumuwas na siya ng Metro Manila at nagpalipat-lipat umano ng tirahan para malusutan ang batas.
Sa pag-aakala ng akusado na nakalusot na siya sa mahabang kamay ng batas, pumirmi na siya ng lugar sa Valenzuela City na dahilan para siya malambat ng pulisya.
Pansamantalang nakapiit sa detention facility ng Valenzuela Police Headquarters ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order na ilalabas ng hukuman para siya maibiyahe patungong Dipolog City. (Richard Mesa)
Other News
  • Didal yuko sa 13-anyos na karibal

    Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games.     Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos […]

  • COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts

    Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).   Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]

  • Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law

    MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.     Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at […]