KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.
Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.
Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si Joseph Llona Jr., 18, ng NPC Sukaban, Caloocan City.
Ayon kay PLt Armando I Delima, hepe ng Valenzuela Police Station Investigation Unit (SIU), naganap ang insidente sa kanto ng P. Santiago at Miranda sts., Paso De Blas.
Napagalaman sa imbestigasyon ng puliya, galing sa inuman ang magkatrabahong suspek at girlfriend ng biktima na itinago sa pangalang “Ligaya” at matapos ang inuman ay tinawagan ang babae ng kanyang boyfriend.
Sa hindi malamang dahilan ay lalaki ang sumagot sa telepono ng bebot na ikinapraning umano ni Vicente saka sumugod sa bahay ng nobya.
Nagtalo umano ang magsing-irog at matapos ito ay sinundan ng biktima ang suspek na naglalakad papuntang Miranda St. at biglang sinakal si Llona dahilan upang dalawang beses siya nitong sinaksak sa katawan.
Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek ngunit natunton at dinakip siya ng mga pulis sa kanyang bahay makalipas ang ilang oras. (Richard Mesa)
-
Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI
IDINEPENSA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets. Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang […]
-
ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic. Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to […]
-
DSWD: 3.2M nakakuha na ng 2nd tranche ng SAP
Tinatayang natanggap na ng 3.2 milyong benepisyaryo ang second tranche ng social amelioration program o SAP, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). “As of July 16, the DSWD has disbursed the emergency subsidy for 3.2 million beneficiaries with an equivalent amount of P19.4 billion,” ani DSWD Undersecretary Danilo Pamonag. “This […]