• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelvin, nag-react sa pagiging ‘Kapuso Drama Prince pero happy sa binibigay na atensyon

MASARAP daw ang handa ngayong Pasko sa bahay nila Kelvin Miranda dahil sa magkakasunod na blessings na dumating sa career niya.

 

 

 

Isa nga sa nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center si Kelvin kamakailan at inamin niyang na-overwhelm siya sa pinakitang suporta sa kanya ng Kapuso network.

 

 

 

“First ko po kasi makaranas ng gano’ng contract signing. Yung naglakad ako sa red carpet, ang daming kamera na nakaabang at nasa malaking venue. Ramdam ko agad yung magandang pag-alaga nila sa akin.”

 

 

 

Makokonsidera na top leading man ng GMA si Kelvin dahil naging top rating ang mga pinagbidahan niyang teleserye na The Lost Recipe at Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette. Kaya sinasabing deserve na bigyan ng title na Kapuso Drama Prince si Kelvin.

 

 

 

“Naku po, maraming mas nauna po sa akin. Feeling ko, hindi pa ako deserving sa anumang title. Ang gusto ko pong gawin ay pagbuti ko trabaho ko bilang aktor.”

 

 

 

Ngayong Pasko raw ay maiiba ang Noche Buena sa kanilang bahay dahil maihahain na raw nila ang gusto nilang kainin.

 

 

 

“Noon po kasi, simple lang yung handa namin. Basta mairaos lang ang Pasko at Bagong Taon. Ngayon po kasi, dahil sa mga dumating na biyaya sa atin, yung mga pinapangarap naming ihanda sa lamesa ay magkakatotoo na!” 

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang music theater legend na si Stephen Sondheim sa edad na 91 sa kanyang bahay sa Roxbury, Connecticut.

 

 

Nakilala ang legendary songwriter dahil sa kanyang mga nilikhang mgq awitin para sa mga hit and acclaimed musicals simula pa noong ‘60s hanggang ‘90s.

 

 

Kabilang sa mga naging obra niya ay ang musicals na A Funny Thing Happened On The Way To The Forum, Company, Follies, Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, A Little Night Music, Pacific Overtures, Sunday in the Park with George, Into The Woods at Gypsy.

 

 

Nanalo ng 9 Tony Awards and a Lifetime Achievement Tony, Grammy Awards, a Pulitzer Prize, an Academy Award, a Laurence Olivier Award at Presidential Medal of Freedom in 2015. Pinangalan din sa kanya ang theatre sa Broadway at West End.

 

 

An HBO documentary directed by Lapine, title Six By Sondheim, aired in 2013.

 

 

Ilan celebritied na nagbigay pugay kay Sondheim ay sina Barbra Streisand, Meryl Streep, Angela Lansbury, Lin-Manuel Miranda, Nathan Lane, Bernadette Peters, Patti LuPone, Ben Platt, Madonna, Jason Alexander, Sutton Foster, Josh Groban, Mandy Patinkin, Christine Baranski at Steven Spielberg. 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads December 7, 2022

  • PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections

    HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.   Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections.   […]

  • Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol

    SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel.   Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window […]