Kevin Durant at Kyrie Irving ng Nets itsapuwera sa Christmas Day games ng NBA
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
UMANI ng atensiyon sa ilang basketball analysts at fans ang pag-itsapuwera ng NBA na mapasali sa prestihiyosong Christmas Day games ang mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Una nang naglabas ng advance schedule ang NBA para sa Christmas Day na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Milwaukee Bucks versus Boston Celtics
Philadelphia 76ers versus New York Knicks
Phoenix Suns versus Denver Nuggets
Los Angeles Lakers versus Dallas Mavericks
Tampok din sa nabanggit na araw ang Memphis Grizzlies na babanggain ang defending champion na Golden State Warriors.
Batay kasi sa mga nakalipas na mga NBA season, palagi na lamang kabilang sa pangunahing mga mainstay sina Durant sa Christmas Day games.
Ang pagkawala sa naturang schedule ng Brooklyn ay sa gitna na rin na hindi pa nareresolba ng team ang kahilingan ni KD na malipat ng ibang team.
-
INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!
HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam. “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo […]
-
Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan
NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League. Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos […]
-
Kelot isinelda sa pananaksak sa kapitbahay sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 29-anyos matapos pagsasaksakin ang kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilala bilang si Marc Ale Canuto, 29 ng Dela Cruz, Dulong Tangke, Brgy. Malinta. […]