• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinapos ng budget ang movie na sinu-shoot sa New York: KC, nangangalampag sa followers na tulungan silang matapos ang ‘Asian Persuasion’

NANGANGALAMPAG si KC Concepcion sa kanyang followers sa social media na tulungan sila na matapos ang pelikulang kinabibilangan niya na Asian Persuasion sa Amerika.

 

 

 

Sa kanyang post sa Instagram, pinaalam niya na kinapos ng budget ang production ng pelikula na sinu-shoot sa New York ng direktor na so Jhett Tolentino.

 

 

 

“The filming is done, now the hard work begins. And YOU can help bring our movie to the FINISH LINE.

 

 

 

“I said YES to this movie “Asian Persuasion” because I grew up not seeing a Filipino who looked like me, or other girls like me, on American TV or in Hollywood films.

 

 

 

“Having the chance to be part of this Asian-American romantic comedy as a FILIPINA means MORE to me than just getting an acting job in America. I think I speak for so many ASIAN actors who grew up wishing and waiting for this time to come for us to be SEEN, HEARD, and REPRESENTED, in all our different skin tones, body shapes, and backgrounds.

 

 

 

“This movie is about family, relationships, love, failures, resilience, success, and fighting for what you love. That’s why this story is YOURS, as much as it is mine.

 

 

 

“This is US. Made by us. Made for us. And made to represent us.

 

 

 

“Click the link in my bio to support our film and bring it to the finish line!!! 🎞 We can’t do this without you. ANY amount would help— but most importantly, as we aspire to see our stories, our faces, our languages, our music, our talent, our skill, and our cultures, we can come together right now… one Asian project at a time.

 

 

 

“LET’S MAKE THIS MOVIE HAPPEN!!! Salamat… thank you… and all my love from New York City. Click https://seedandspark.com/fund/asian-persuasion#story.”

 

 

 

Kasama rin sa movie sina Dante Basco, Apl.de.Ap, Yam Concepcion, Rachel Alejandro, Rex Navarrete, at Tony Labrusca.

 

 

 

***

 

 

 

KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Jon Lucas na minsan nang nagselos ang kanyang misis sa nakahalikan niyang babae sa isang music video.

 

 

 

Simula raw noong mag-asawa si Jon, hindi raw siya tumatanggap ng project na kailangan niyang magkaroon ng bedscene o anumang intimate scene with the opposite sex.

 

 

 

Yung ginawang MTV ni Jon ay kailangan daw na may light kiss sa babae kaya ginawa niya ito. Di niya akalain na makakarating ito sa kanyang misis.

 

 

 

“Medyo nanibago lang naman si misis. Kumbaga nagulat, siyempre hindi naman siya sanay na ganun. Sabi niya, ”Hala ba’t ka pumayag sa ganun,?’ Sabi ko kailangan talaga sa music video. Ito talaga yung hinihingi ng director, ng producer,” paliwanag ni Jon na tinanggap naman ng kanyang misis.

 

 

 

Bago umano opisyal na ipalabas sa TV o Youtube ang MTV, humingi umano si Jon ng raw video ng MTV at ipinapanood niya sa asawa.

 

 

 

“Sa kanya ko muna pinanood. Doon ko na rin in-explain, doon na rin niya naintindhan. Lumabas yung music video na okey naman lahat,” diin pa ni Jon.

 

 

 

Nagpapasalamat ang aktor sa mga patuloy na sumusubaybay sa First Lady. Namatay na kasi ang character niyang si Titus, ang inuutusan ni Senator Alegre (Isabel Rivas) para i-assasinate sina President Glen Acosta (Gabby Concepcion) at Ingrid (Alice Dixson).

 

 

 

***

 

 

 

MAGBABALIK for season two ang paboritong Netflix series ng mga Pinoy na Squid Game. In-announce na ito ng director na si Hwang Dong-hyuk.

 

 

 

“As the writer, director and producer of ‘Squid Game,’ a huge shout out to fans around the world. Thank you for watching and loving our show.

 

 

 

“And now, Gi-hun returns. The Front Man returns. Season 2 is coming. The man in the suit with ddakji might be back. You’ll also be introduced to Young-hee’s boyfriend, Cheol-su.”

 

 

 

“It took 12 years to bring the first season of ‘Squid Game’ to life last year. But it took 12 days for ‘Squid Game’ to become the most popular Netflix series ever.”

 

 

 

Naging phenomenal hit sa streaming platform na Netflix ang 9-episode series na Squid Game na pinagbidahan nina Lee Jung-Jae at Park Hae-Soo.

 

 

 

May 456 participants ito from all walks of life para maglaro ng games in order to win 45.6 billion won. Higit na 142 million subscribers ang nag-stream ng series kaya may pangako sila na season 2.

 

 

 

Naging hit sa Pilipinas ang Squid Game dahil ang isang contestant sa series ay ang Pinoy na si Christian Lagahit na contestant #276.

 

 

 

Nagwagi naman ang Squid Game ng 22 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Screen Actor’s Guild, Critics Choice Awards, Golden Globe Awards, American Cinema Editors, Art Directors Guild, Cinema Audio Society, Costume Designers Guild, Motion Picture Sound Editors, and Producers Guild of America.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Di pa rin tinatantanan ng mga bashers: AGOT, sinabihan na alisin na ang galit sa puso

    HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro.       Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping.     Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha […]

  • Negative antigen test para sa mga int’l travelers, pinapayagan na ng Pinas-IATF

    PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang mga foreign travelers at returning Filipino na mag-presenta ng negatibong resulta ng laboratory-based antigen test sa kanilang pagdating sa bansa.     Ang pinakabagong hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sa gitna na rin ng pagpapaluwag sa coronavirus disease 2019 […]

  • Ads October 7, 2023