• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinuwestiyon ang katapatan ni Lacson sa gitna ng Senate probe

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na nakagawa ng bribery at falsification of documents kasabay ng pagkastigo niya sa komisyon dahil sa pagpapalathala at pagsasapubliko ng paggasta ng mga ahensiya ng pamahalaan.

 

Kinuwestiyon ng Pangulo ang nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa P67-billion deficient spending ng Department of Health (DoH) sa COVID-19 response funds, kabilang na ang paglilipat ng P42 bilyong piso sa Department of Budget and Management.

 

Ikinasa ng Senado ang imbestigasyon matapos na lumabas ang 2020 audit report ng COA sa Department of Health.

 

“Why don’t you (COA) publish criminal cases filed against the auditing office involving corruption? Mas masahol pa, bribery, tinuturuan niyo mag falsify,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped nationl address.

 

“Madami nademanda sa COA for bribery and falsification of documents, tinuturuan nila ang nasa gobyerno.. ano ang gagawin para makalusot. Ganun ‘yan ,” aniya pa rin.

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na naging mabuti siya kay Senador Panfilo Lacson, sa kabila ng patuloy na pambabatikos ng senador sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa pandemiya base sa COA report ukol sa Department of Health.

 

“Ping, tanungin kita, are you honest? Answer me truthfully. Are you honest? If you answer yes, next program may pakita ako,” ayon kay Panugulong Duterte.

 

Kaagad namang niresbakan ni Lacson ang tirada sa kanya ni Pangulong Duterte.

 

Para sa senador, nasa “panic mode” na si Pangulong Duterte at malinaw na dini-dscourage nito ang Senado na ituloy ang imbestigasyon.

 

“But make no mistake. The Senate will not flinch on this one. There is a lot more to discover and pursue so that all those responsible for this abominable crime against the Filipino people who continue to suffer amid the pandemic will be exposed and charged in court at the proper time,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • August 30 idineklara ni Duterte bilang ‘National Press Freedom Day’

    NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”.     Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890.     Sa […]

  • Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas

    IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na  makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day  sa kabila pa rin ng banta  COVID-19 pandemic.   Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque  ay 5-day time allowance para sa publiko  na makabisita sa […]

  • MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021

    Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng […]