• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KISSES, may plano na mag-join sa Miss World Philippines 2021

MAY plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021. 

 

 

Kaya naman excited ang kanyang mga fans and followers sa balitang ito. Alam kasi nilang bago pa nag-join si Kisses sa Pinoy Big Brother noon, beauty queen na siya sa kanilang province sa Masbate.

 

 

Bagay daw kay Kisses ito dahil ngayon pa lamang may advocacies na siya sa pagtulong sa kanyang mga kapwa, tulad nang pagtulong niya nang magkaroon ng malakas na lindol noon at naapektuhan ang mga kababayan niya sa Masbate.

 

 

Kaya wait na lamang ang mga fans ni Kisses sa announcement ng kanyang agency.

 

 

***

 

 

NGAYONG babalik na ang Bida Kids singing competition na Centerstage, nawala na ang pag-aaalaala ng host nito na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na baka hindi na ito ituloy ipalabas ng GMA Network.

 

 

Aware kasi si Alden na bawal lumabas ang mga bata, lower than 15 years old, na siya pa namang age ng mga contestants ng show, bilang isang health protocols.

 

 

Kaya nagpasalamat siya nang malaman niyang tuloy na ito at magpi-perform na lamang ang mga bata sa kani-kanilang tahanan, sa tulong ng production team ng show, sa pamamagitan ng virtual  set na itinayo para sa show.

 

 

Kahit ang co-host ni Alden na si Betong Sumaya at mga judges na sina Soul Diva Aicelle Santos, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez ay natuwa nang malamang tuloy na ulit ang airing ng Centerstage.

 

 

“Iyon nga lamang hindi na namin sila makakausap nang personal,” sabi ni Alden.

 

 

“Alam naming umaasa ang mga bata na matutupad din na muli nilang ipakita ang kanilang talent, kaya mabuti na lamang at GMA found a way.”

 

 

Mapapanood na ang Centerstage simula sa Sunday, February 7 sa GMA-7 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

 

 

      ***

 

 

NASA 33rd weeks of pregnancy na si international singer-stage actress Rachelle Ann Go-Spies at sa latest vlog niya, nai-share niya na naghahanda na siya sa nalalapit niyang pagsisilang sa first baby nila ng asawang si Martin Spies. 

 

 

Thankful si Rachelle sa kanyang pagbubuntis na hindi siya nakaranas ng kung anu-anong pinagdadaanan ng isang naglilihi. Hindi siya nag-crave ng kung anu-anong pagkain, basta mahilig daw lamang siyang kumain nang kumain.

 

 

Ready na rin siya sa delivery ng kanilang baby, pero ang dasal niya sana ay hindi siya magsisilang by caesarean section. Regular daw naman siyang pinupuntahan ng midwife niya sa house nila in London for check-up.

 

 

Ipinakita rin ni Rachelle ang mga gamit ng magiging baby nila na sina-shopping na nila ngayon ni Martin, may isang baby crib doon na gagamitin sa gabi para makasama nila sa bedroom nila ang anak, biro niya ‘tiny’ lang kasi ang room nila at hindi kasya ang malaking crib.

 

 

Tinatapos pa rin daw nila ni Martin ang nursery room ng baby at ipakikita niya ito sa susunod niyang vlog.  Secret pa ang gender ng baby na isisilang niya by March. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’

    SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.     Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, “Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, […]

  • Possible paralysis kung ‘di naagapan ng doktor… KC, nakaranas ng matinding ‘neurological effect’ dahil sa COVID-19

    SA Instagram Story ni KC Concepion noong Friday, May 6, ibinahagi na nakaranas siya ng matinding neurological effect dahil sa pagkakaroon ng COVID-19.     Kaya naman ganun na lang pasasalamat sa kanyang doktor dahil naagapan ang kanyang sakit.     “I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for […]

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]