Kobe Paras kinunsinte ng UP
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan ang kanilang star player na si Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons kaugnay sa ginagawa nilang individual training.
Tanging magagawa lamang umano nito ay paalalahanan si Paras na unahin ang kanyang safety lalo na at may health crisis.
Matatandaang pinagalitan sina Gilas pool members Thirdy Ravena at Isaac Go ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), habang sina PBA players Japeth Aguilar at Adrian Wong ay pinagmulta at inatasang sumailalim sa COVID-19 tests dahil sa paglahok sa 5-on-5 game sa isang gym sa Greenhills.
Inalis na umano ang video sa Instagram, pero may mga litrato na nagpapakita na kasama ni Paras sina Wong, Ravena at iba pang manlalaro sa gym na lumalabag sa social distancing guidelines.
Kahit umano pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang professional basketball at football teams na magbalik sa ensayo, nanatiling bawal pa rin ang pickup games sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Wala umanong rason para pagalitan si Paras kung si Perasol ang tatanungin.
“I know him as a very responsible person so I trust his judgment on whatever he decides to do,” ani Perasol. “If there’s a concern from me regarding that incident, it was all about his safety and not on him breaking any team rules.”
“It will probably come out in one of our conversations but I won’t ask about it. I may remind him to be more careful about his safety,” dagdag pa nito.
Isa si Paras sa mga sinasasandalan ng Maroons, kung saan may ikinamada itong average na 17.4 points, 5.7 rebounds, 1.9 assists, at 1.3 blocks sa Season 82, unang season nito sa UAAP
-
Panukalang magbabawal sa ‘no permit, no exam’ policy sa private schools, aprubado na sa Kamara
INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes ang panukalang magpapataw ng administrative sanctions laban sa mga private elementary at high school educational institutions na hahadlang sa mga estudyante na kumuha ng nakatakdang periodic examinations dahil hindi nakabayad ng kanilang financial obligations. Umaasa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pagkaka-apruba ng panukala ay makakatulong sa […]
-
Baseball na tinamaan ni Japanese player Ohtani naibenta sa halagang $4.4-M
NAIBENTA sa halagang $4.4 milyon sa auction ang bola na tinamaan ni Los Angeles Dodger superstar Shohei Ohtani. Ang nasabing pagtama nito ay siyang pang-50 na home run sa Major League Baseball. Ang 30-anyos na Japanese hitter ay siyang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng baseball na nakatama ng 50 home runs at nakakumpiska […]
-
SHARON, handang ma-bash at sa magiging reaksyon ni Sen. Kiko; may assurance na maganda ang ‘Revirginized’
WALA dapat ipag-alala ang mga Sharonians sa gagawing pelikula ni Megastar Sharon Cuneta under Viva Films titled Revirginized. Kahit na medyo nakaka-shock ang dating ng title, Sharon gave her Sharonians an assurance na magandang project ang Revirginized at excited siyang gawin ito. Wala rin kaso sa kanya na baguhan ang kontrobersiyal […]