Kongreso idineklara si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
- Published on May 26, 2022
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA na ng Kongreso sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Dutertre-Carpio bilang panalo sa pagkapangulo at pagkabise sa nagdaang 2022 national elections.
Ito ang ginawa ng National Board of Canvassers, Miyerkules, matapos magtamo si Bongbong ng 31,629,783 boto, dahilan para siya ang maging ikalawang Marcos na maluluklok sa Malacañang.
Si Duterte-Carpio, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, naman ang tatayong ikalawang pangulo. Pareho silang uupo bilang dalawa sa pinakamatataas na opisyal ng Pilipinas sa araw ng kanilang inauguration sa ika-30 ng Hunyo, alinsunod sa 1987 Constitution.
Samantala, kanina lang nang magtamo ng sugat ang hindi bababa sa 10 katao sa harapan ng Commission on Human Rights (CHR), para tutulan ang aniya’y “maruming” eleksyon na magluluklok kina Marcos at Duterte-Carpio.
Nangyayari ito kahit na una nang naiulat na nawawala pa ang ilang certificates of canvass mula sa Mandaluyong, Sulu, Manila at Cagayan de Oro.
‘Second chance para sa mga Marcos’
Nagpasalamat naman si Sen. Imee Marcos sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Bongbong, lalo na’t nabigyan daw ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pamilya na makapagsilbi.
“Yes, we’re very, very grateful for a second chance… Dahil medyo mabigat ang pinagdaanan ng aming pamilya. Matapos ‘yung 1986, kung anu-anong kaso ‘yung hinarap namin, kung anu-anong pangungutya at pang-aapi, sabihin na natin,” wika niya sa isang panayam.
“Medyo hirap talaga ‘yung pamilya namin for almost four decades.”
Matatandaang pinatalsik ng taumbayan gamit ang pag-aalsang EDSA People Power noong 1986 ang kanilang amang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na kilala hindi lang para sa matinding human rights violations noong Martial Law simula 1972 ngunit pati na rin sa ill-gotten wealth — bagay na kinikilala ng Supreme Court noong 2003, 2012 at 2017.
Hinahabol pa rin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang mga nakaw na yaman ng kanilang pamilya hanggang ngayon. Gayunpaman, pinangangambahan ng ilang mahirapan na ang gobyerno rito lalo na’t una nang sinabi ni Bongbong na gagawin itong anti-corruption commission na “hindi na lamang anti-Marcos.”
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagtiwala sa amin, mula sa mga loyalista, mga Ilokano, lahat ng naniniwala na kinakailangan ng ating bansa ay talagang matibay na pamumuno,” sabi pa ni Imee.
-
Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7
INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue. “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa halip […]
-
May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA
NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.” Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya […]
-
Nagsimula lang mag-detox two years ago: JUDY ANN, nawalan ng gana na mag-exercise pero binalik dahil sa mga anak
KAHIT forty six na si Judy Ann Santos na may anak ng dalaga, si Yohan at binatilyo, si Lucho at ang lumalaki na ring si Luna, nakaka-impress ang dedikasyon niya sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan. Marami nga ang nagsasabi, mas seksi at mas maganda siya ngayon kaysa noong dalaga siya. […]