Kongreso magiging katuwang ng PSC
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
IPINANGAKO ng Congress Committee on Youth and Sports Development ang pag-asiste sa paghiling ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.
Batay ito sa committee regular meeting sa nakaraang linggo sa House of Representatives sa Quezon City na dinaluhan ng iba pang sports official.
Napag-alaman kamakalawa kina PSC Chairman William Ramirez at Committee chairman Eric Martinez ang pangangailangan ng sports agency nang bawasan ang badyet sa taong ito pata iayuda sa Covid 19.
“We were one of those government offices who also contributed to the Bayanihan Act. The DBM (Department of Budget and Management) deducted from us,” ani Ramirez.
Pinangwakas niyang: “Para sa amin malaking bagay ‘yun kasi kasama doon ‘yung Olympic budget namin. Hanggang ngayon po bakante ‘yan. It’s an opportunity for us to ask, we need your help,” ani Ramirez nitong Huwebes. (REC)
-
3 HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU
KULONG ang tatlong sangkot umano sa illegal na droga kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Caloocan city. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Pibrico Lunday, 27, Jeffrey Milanes, 37, at Khim Claire Vergara, 20, pawang ng […]
-
Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN
KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m. Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]
-
CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas
HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]