• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KONSEPTO NG 15-MINUTES CITY, NAIS GAYAHIN NG QC

PINAG-AARALAN na ngayon ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang konsepto ng 15-minutes city strategy bilang bahagi ng kanilang komitment sa pagsusulong ng sustainable community sa lungsod.

 

 

Ang 15-minutes city ay isang urban model na nagsisigurong ang lahat ng esensyal na pangangailangang serbisyo gaya ng health care, job opportunities, parks at open spaces, at edukasyon ay accessible at malapit lamang sa bahay ng lahat ng mamamayan, ayon na rin kay Professor Carlos Moreno ng Sorborne University.

 

 

Layunin nito na idecentralize ang mga serbisyo at ibaba ito sa mga komunidad upang mapayabong pa ang ekonomiya at maisulong ang bio diversity at inclusivity at makapaghatid sa tao ng masustansyang mga pagkain.

 

 

Ayon kay Mayor Belmonte, nais nyang gayahin ang konsepto ng 15 minutes city dahil napahanga sya nito nang personal nyang masaksihan ito sa Paris, France upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

 

Kaugnay nito ay tinipon ng pamahalaang lokal ang mga researchers mula sa mga departamento upang pag-aralan ito. Kabilang dito ang Office of the City Administrator (OCA), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), City Planning and Development Department (CPDD),City Architect Department (CAD), Parks Development and Administration Department (PDAD), Transport and Traffic Management Department (TTMD), and Barangay and Community Relations Department (BCRD).

 

 

Ayon kay CCESD Head Andrea Villaroman, bukod sa magiging accesible sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaang lokal, makatutulong din sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan. Suportado rin nito ang target lungsod na makamit ang carbin neutrality sa taong 2050.

 

 

Paliwanag pa ni Belmonte, mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pagpapatupad ng 15 minutes city concept. Ang lahat ng pagsisikap ng mga residente, pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan ay mahalaga tungo sa pagkamit ng liveable at sustainable na lungsod. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media

    BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa  “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni  outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng  fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 .     “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]

  • Ads January 7, 2021

  • ANNE, agad na pinakalma ang nag-panic na Kapamilya fans; nag-pitch lang ng pelikula pero ‘di lilipat tulad ni BEA

    NABULABOG at nag-panic ang solid Kapamilya fans nang lumabas photo na pakikipag-zoom meeting ni Anne Curtis-Smith sa executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, na halos kasabay ng pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network.     Say ng isang netizen kay Anne, “please tell us na gma films lang […]