• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Kontrabida’ ni NORA, puwedeng pag-isipan na isali na lang sa Metro Manila Film Festival

AFTER getting good reviews sa huling primetime show niyang The Lost Recipe, sa Afternoon Prime naman magpapakitang gilas si Kelvin Miranda.

 

 

Bida si Kelvin sa Loving Miss Brigette kung saan ka-partner niya ang bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez.

 

 

Kahit na baguhan, kinakitaan ng passion at enthusiasm to act si Kelvin kaya naman napuri siya ng director niyang si Adolf Alix, Jr.

 

 

Lagi raw nagtatanong si Kelvin how to attack his role, lalo na at ito ang unang pagkakataon that he is playing the lead role sa dramang panghapon ng GMA.

 

 

Iba rin naman kasi ang audience expectation sa afternoon drama kaya binigyan si Kelvin ng advice ng director niya.

 

 

Ayon pa kay Direk Adolf, parehong collaborative actors sina Kelvin at Beauty kaya nag-enjoy siya working with them

 

 

Una niyang nakatrabaho ni Direk Adolf si Kelvin sa Wish Ko Lang while si Beauty ay una niyang naka-work sa horror trilogy.

 

 

***

 

 

MAINGAY sa social media ang paggawa ni Miss Nora Aunor nang una niyang kontrabida role under Godfather Productions.

 

 

Pero since natapos ang movie ay wala nang balita kung kailan ito ipalalabas.

 

 

Tahimik ang Godfather Productions kung kailan nila balak ipalabas ang Kontrabida.

 

 

Baka naman hinihintay ni Joed ang pagbubukas ng sinehan.

 

 

Baka yaw na niyang maging biktima ng film pirates like what happened sa Anak ng Macho Dancer.

 

 

Pwede rin na pinag-iisipan niya na isali ang Kontrabida sa Metro Manila Festival sa December if ever there will be one. Pero sana bukas na ang mga theaters para mas masaya ang panonood.

 

 

Kung anuman ang planong gawin ng Godfather Production sa Kontrabida, we would like to believe that it will be for the good of Ate Guy and the producers.

 

 

***

 

 

MULING gumaganap ng gay role si Christian Bables sa Joel Lamangan film na Bekis On The Run.

 

 

Kasama rin sa movie si Diego Loyzaga, na gumaganap na kuya ni Christian.

 

 

Kasama rin sa movie sina Kylie Verzosa as Adriana, ang ex-gf ni Diego at at si Sean De Guzman as Martin, na ex-boyfriend naman ni Christian.

 

 

Nakatrabaho na ni Sean si direk Joel sa launching film niya na Anak ng Macho Dancer at Lockdown kaya sanay na ito sa torrid kissing at bed scene.

 

 

Pero nakumbinsi ni Direk Joel si Christian na magkaroon ng bed scene at torrid kissing scene with Sean.

 

 

Bukod sa pagiging isang comedy-drama film, tatalakayin dinng Bekis On The Run ang corruption at ang hindi pinag-usapan mga bading na miyembro ng military.

 

 

At dahil gawa ito ni direk Joel, na naging biktima ng military noong Martial Law, siguradong may matinding statement ito about corruption.

 

 

Nakatakdang ipalabas ang Bekis on the Run sa Vivamax on September 17.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

    PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.     Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.     Ayon sa DBM, […]

  • Napipintong paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, ‘done deal’ na ayon sa bali-balita

    UM-ATTEND sa red carpet premiere ng pelikulang Cinderella sa Los Angeles ang Kapuso actress na si Lovi Poe.   Ginanap sa Greek Theatre ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan ng singer na si Camila Cabello na produced ng Amazon Prime.     “A dream is a wish your heart makes,” caption ni Lovi sa photo niya […]

  • 55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko

    KASABAY  sa pagdiriwang ng ika-54 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito. Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel  Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City […]