• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG

MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1.

 

 

Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang du­maming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong naisailalim ang National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa sa pinakamababang antas sa COVID-19 alert system.

 

 

“Nitong pagpasok ng Alert Level 1, medyo tumaas ‘yung ibang index crimes, particularly ‘yung theft. Siguro syempre dahil naglabasan na ‘yung mga tao. Dito sa mga malalapit sa mga mall, sa mga palengke, medyo dumami na naman ‘yung mga mandurukot natin diyan,” ayon kay Año.

 

 

Kaugnay nito, hinika­yat din ni Año ang publiko na maging maingat partikular na kung magtutungo sa mga matataong lugar upang hindi mabiktima ng mga magnanakaw.

 

 

Bukod sa pagnanakaw, walo pang focus crimes ang tumaas din gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping ng mga behikulo at mga motorsiklo.

 

 

Matatandaang dahil sa pagbaba na ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 ay isailalim na rin ang ilang lugar sa Pilipinas sa Alert Level 1 simula Marso 1.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maaa­ring manatili ang bansa sa naturang alerto hanggang sa Hunyo 30, 2022, o sa pagtatapos ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

Tiniyak naman ni Año na inatasan na nila ang mga local government units (LGUs) at mga law enforcers na ipagpatuloy ang istriktong pagpapatupad ng minimum public health standards para maiwasan ang muling hawaan ng virus.

 

 

Nagpalabas na rin sila ng advisory sa mga LGUs na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagsapit ng Mahal na Araw sa kalagitnaan ng Abril dahil sa inaasahang mas marami pang interzonal at intrazonal movements sa bansa.

 

 

Aniya pa, sinimulan na rin ng PNP ang pagpapaigting ng kanilang security operation dahil sa Mahal na Araw, sa pamamagitan ng kanilang “Oplan Ligtas SUMVAC 2022” ngayong summer. (Gene Adsuara)

Other News
  • Top 1 most wanted person ng NPD, nalambat ng Navotas police

    ISANG lalaki na itinuturing bilang top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Ricky”, 51, residente ng lungsod. […]

  • EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

    Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.     Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas […]

  • VINA, non-showbiz guy ang bagong inspirasyon kaya nananahimik; pangarap pa ring na maikasal

    MAY nagpapakilig pala ngayon kay Vina Morales, pero hindi pa raw siya ready na isapubliko kung sino ang lalakeng ito.     Marami raw kasing kinukunsidera si Vina, isa na rito ay ang magkaroon ng tahimik na lovelife.     “Mahirap kasi ngayon, mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko pero nagkaroon […]