• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Krudo papalo na sa P100 kada litro

PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.

 

 

Isang araw pa lang ang ipinatutupad na pinakamataas na dagdag presyo sa loob ng taong ito ay umuugong na ang mas matinding pagtataas sa presyong ipapataw sa darating na Martes (Marso 16) at sa mga susunod na linggo.

 

 

Binanggit sa GMA News Online ng isang source mula sa oil industry sa bansa, na sa kanilang monito­ring sa kalakalakan ng langis nitong Marso 7, 2022 sa Mean of Platts Singapore (MOPS), na posibleng madagdagan pa ng panibagong pagtataas na P12.72 sa kada litro ng diesel at P8.28 naman sa gasolina sa susunod na linggo.

 

 

Ang lokal na industriya ng langis ay ­gumagamit ng Mean of Platts Singapore (MOPS), ang pang-araw-araw na average ng lahat ng transaksyon sa pangangalakal sa pagitan ng mga mamimili at nagbebenta ng mga produktong petrolyo.

 

 

Gayunman, ang nasabing price adjustment ay posible pang magbago depende sa resulta ng kalakalan sa susunod pang apat na araw.

 

 

Samantala, sa virtual press briefing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi  na maaring umabot sa P100 kada litro ang pump prices kung aabot sa $200 ang kada barrel nito sa pandaigdigang merkado.

 

 

“The retail prices of fuel will depend on how far the prices will go up in the world market. Currently, the average retail price is at P70 per liter. If the world price hits $200 per barrel, it may result in an average retail fuel price of P100 per liter. Hopefully, it will not reach that point for us,” ani Cusi. (Daris Jose)

Other News
  • Maraming naalarma sa ‘baby-themed photoshoot’ niya: DONNALYN, binatikos at agad nag-apologize sa maling nagawa

    PINAG-USAPAN at umani nang sandamakmak na batikos mula sa mga netizens ang ginawang birthday photo shoot ni Donnalyn Bartolome na kung saan makikita ang isang sexy baby.     Pahayag ng aktres, singer at vlogger, “Contradicting ‘tong shoot na ‘to kasi baby ako sa shoot na ‘to but it’s my actual first daring and sexy […]

  • Carla, masayang-malungkot dahil apat na buwan na mahihiwalay kay Tom

    MASAYANG-MALUNGKOT ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa apat na buwan silang pansamantalang magkakahiwalay.      Almost seven years na together sina Carla at Tom at ngayon nga ay on-going ang wedding preparations nila sa isang classic style church wedding on October 21, 2021 sa Tagaytay Highlands, after nilang ma-engage last […]

  • Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.     Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng […]