• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’.

 

 

“We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government is considering placing the country under a “total lockdown.”ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“This is a false and baseless statement,” diing pahayag nito.

 

 

Muli ay umapela ang Malakanyang sa publiko na ipagwalang-bahala ang nasabing “unfounded and malicious rumors” at umiwas mula sa pagbabahagi nito sa pamilya at kaibigan.

 

 

“As I said in our press briefing yesterday, our country is dealing with a real threat that understandably concerns our people, and spreading these unverified rumors contributes to unnecessary anxiety and needless panic. Hindi po ito nakakatulong,” giit ni Nograles.

 

 

Muling inulit ni Nograles ang ibinigay na katiyakan ng Department of Agriculture hinggil sa inventory para sa mga pangunahing bilihin partikular na ang bigas.

 

 

Aniya, may sapat na suplay ng bigas at tatagal pa ito hanggang sa susunod na tatlong buwan. Sapat aniya para sa susunod na pag-aani o harvest season sa Abril.

 

 

“The same also holds true for lowland and highland vegetables, which is at 85 percent and 107 percent sufficiency level, respectively,” ayon sa Department of Agriculture.

 

 

Samantala, sinabi pa rin ni Nograles na habang hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na manatiling may kalaaman ukol sa pinakabagong kaganapan hinggil sa laban sa COVID, hinimok naman niya ang lahat na kumuha lamang ng balita at impormasyon mula sa “credible sources.”

 

 

“Dismiss disinformation, and contribute positively in our efforts to stop the spread of COVID by observing minimum public health standards and by getting vaccinated in order to protect ourselves, our families and our communities,” giit ni Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang Magna Carta para sa mga Filipino seafarers, aprubado ng komite

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa ang substitute bill sa ilang panukalang batas na magtatatag ng Magna Carta para sa Filipino Seafarers, upang protektahan ang kanilang mga karapatan at isulong ang kapakanan ng mga marino, gayundin ang pagpapasigla ng industriya.     Ang mga ito ay ang House Bills 368, 379, 736, […]

  • COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert

    Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.   Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.   Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy […]

  • Ilang opisyal ng DOTr sinampahan ng reklamo sa Ombudsman ng Manibela

    NAGHAIN ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang transport group na Manibela.     May kinalaman ito sa revocation ng kanilang prankisa ng mga hindi nakasali sa consolidation program ng mga public utility vehicles (PUV).     Ang mga sinampahan ay pinangunahan nina DOTr Secretary […]