Kumpanya ng parmasyutiko nagsampa ng cyberlibel laban kay Dr. Leachon
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSAMPA ng cyberlibel charges ang Pharmaceutical Inc. sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Dr. Antonio “Tony” Leachon.
Sa isang press conference sinabi ni Atty. Alex Avisado Jr. na magsasampa sila ng kaso laban sa mga malisyosong paratang ni Leachon.
Ang mga paratang ni Leachon sa Bell-Kenz ay labis na naniningil at di umano’y nakikisali sa hindi etikal na pamantayan.
Ayon kay Avisado, maaari silang magsampa ng administrative complaint laban kay Leachon para mabawi ang kanyang lisensya sa pag-practice ng medisina.
Idinagdag ni Avisado na hindi lang nila pinapanagot si Leachon kundi pati na rin ang iba pang mga doktor na sumisira sa reputasyon ng Bell-Kenz na nagbibigay lamang ng mga gamot na mas mura ng 30 porsiyento sa mga mamamayang Pilipino.
“Bukas ang Bell-Kenz sa lahat ng ahensya ng gobyerno para sa pagsasagawa ng imbestigasyon para malinis ang pangalan ng Bell-Kenz sa mga malisyosong alegasyon ni Leachon,”
Sinabi ni Avisado na nagtungo si Leachon sa Senado at inakusahan ang Bell-Kenz na diumano’y pagpapalit ng kanilang mga reseta.
Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, tagapagsalita ng Bell-Kenz na nagsampa sila ng reklamong kriminal para sa paglabag sa Anti-Cyber Law laban kay Dr. Antonio Leachon.
Inakusahan o iginiit ni Leachon na ang mga doktor ng Bell-Kenz ay labis na naniningil sa kanilang mga pasyente kapalit ng mga mamahaling sasakyan.
“Ang inihain namin ay criminal complaint at hindi civil complaint which is penalized with imprisonment,” ani Perlez.
Dagdag pa ni Perlez, aaksyunan ng NBI ang mga malisyosong post sa social media ni Leachon na sumisira din sa reputasyon ng mga doktor.
Sinabi ni Joseph Vincent Go, legal na tagapayo ng Bell-Kenz, na ang mga paratang ni Leachon ay nakakasira sa reputasyon ng Bell-Kenz.
“Sa puntong ito,” sabi ni Go, “hindi kami sigurado kung saan kinuha ni Leachon ang kanyang mga paratang sa mga doktor ng Bell-Kenz na umano’y nakikibahagi sa hindi etikal na pamantayan kapalit ng mga mamahaling sasakyan, alahas at iba pa.” sabi ni Go, ay mayroon ding malisyosong pag-post sa Twitter. (PAUL JOHN REYES)
-
Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya. Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”. Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta. Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]
-
DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes
Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa. Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]
-
Babaeng drug suspect kulong sa P149K shabu sa Caloocan
KALABOSO ang isang babaeng drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu habang nakatakas naman ang kanyang kasama na target ng buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong […]