• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kuwaiti foreign minister, kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara

KINONDENA ng Minister of Foreign Affairs na si  Kuwait Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na Jullebee Ranara sa Kuwait.

 

 

Tinanggap ni Sheikh Salem si Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Jose A. Cabrera III, araw ng Linggo sa  Ministry of Foreign Affairs (MOFA).

 

 

Ayon kay Cabrera, hiniling ni Sheikh Salem  sa kanya na  iparating  ang taus-pusong pakikidalamhati sa pamilya at sa gobyerno nng Pilipinas sa brutal at kalunus-lunos na pagkamatay ni Jullebee Ranara.

 

 

Kinondena rin ng nasabing opisyal ang pagpatay kay Jullebee Ranara at sinabing ang salarin na naaresto at kasalukuyang nasa kulungan ay parurusahan para sa nasabing karumal-dumal na krimen.

 

 

Tinuran pa ni Sheikh Salem na ang ginawa ng salarin ay hindi kailanman sumasalamin sa pagkatao at asal ng Kuwaiti society,  Kuwaiti people, at  Kuwaiti government.

 

 

Sa isang kalatas na pinost ng Philippine Embassy sa Kuwait sa  official Facebook page nito,  nagpasalamat si Cabrera para sa kooperasyon at tulong ng mga Kuwaiti authority lalo na sa mabilis na aksyon at pagtugon sa pagtugis at paghuli sa suspek at sa ‘clearances’ para sa shipment ng mga labi ni Ranara.

 

 

Sa kalatas pa rin ng embahada, nakasaad dito ang inihayag ni Sheikh Salem na magbibigay ang MOFA sa Philippine Embassy ng lahat ng kakailanganing tulong habang ipinagpapatuloy nito ang pagmonitor sa kaso ni Ranara.

 

 

Ipinaalam naman  ni Cabrera kay  Sheikh Salem  na base sa kalatas ni Secretary of Migrant Workers Maria Susana V. Ople,  walang ipatutupad na ‘ban’ sa deployment sa  Kuwait.

 

 

Samantala, sa naturang pulong, tinalakay din nina Sheikh Salem at Cabrera ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait at nagpahayag ng mutual commitment sa mas “closer dialogue and engagement” sa pagiitan ng  dalawang bansa lalo na sa mga darating na buwan.

 

 

Nananatili namang naghihintay ang Philippine Embassy  ng official forensic report mula sa mga  Kuwaiti authority. (Daris Jose)

Other News
  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]

  • Laguna, pinalawig ang ECQ hanggang Agosto 20

    PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021.   Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna.   Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, […]

  • Tuwang-tuwa nang makita at makapagpiktyur: RURU, wish na makapag-guest ang idol na si ROBIN sa upcoming series

    SI Ruru Madrid na nga ba ang susunod sa mga yapak ni Robin Padilla?     Si Ruru ang tinaguriang Action Prince ng GMA at si Robin ay nananatiling Action Superstar ng Pelikulang Pilipino bukod pa sa pagiging Senador.     At bata pa lamang si Ruru ay sobrang iniidolo na niya si Robin.   […]