• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLIE, bigay-todo at hahangaan sa ‘The Housemaid’; happy sa pagiging supportive ni JAKE

NGAYONG ika-10 ng Setyembre, kakaibang Kylie Verzosa ang mapapanood sa The Housemaid, ang erotic thriller mula sa Viva Films, dahil ilalabas nito ang pagiging inosente, mapusok, kalmado at palaban.

 

 

Si Miss International 2016 ay gumaganap bilang Daisy, kinuhang taga-pangalaga ng isang batang si Nami (Elia Ilano), anak ng bilyonaryong si William (Albert Martinez), at Roxanne (Louise Delos Reyes) na may kambal sa sinapupunan.

 

 

Nakuha naman ni Daisy ang loob ni Nami, at hindi lang ‘yon. Pati si William ay naging malapit sa kanya sa paraang hindi nararapat. Inakit ni William si Daisy sa pasimpleng pagbigay ng mamahaling alak at pagtugtog ng piano hanggang naging magkasiping na ang dalawa.

 

Nananatiling palakaibigan si Daisy kay Roxanne kaya naman hindi siya nito pinagdududahan. Ngunit may isang tao sa mansyon ang hindi maiwasan ni Daisy, si Ms. Martha (Jaclyn Jose) ang Mayordoma na nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa mansion.     Walang nakatatakas sa kanyang obserbasyon. May tinatago siyang hinanakit sa kanyang mga amo pero tuloy pa rin ang mahusay niyang serbisyo simula pa nang bata si Roxanne. Makasasama ba kay Daisy ang loyalidad ni Ms. Martha sa asawa ni William?   Maliban kay Ms. Martha, dapat rin mag-ingat si Daisy kay Madam Ester (Alma Moreno), ang ina ni Roxanne. Tulad ng kanyang anak, sunud-sunuran lang din si Madam Ester kay William, pero may panahon para protektahan niya ang kanyang anak.

 

 

Ano ba ang inaasahan ni Daisy na mangyayari sa kanila ni William? Ano ang kabayaran ng kanyang pakikipagrelasyon sa isang makapangyarihan at may-asawang lalaki?

 

 

Ang The Housemaid ay adapted sa South Korean film na Hanyo na ipinalabas noong 1960, at nagkaroon ng remake noong 2010, nagkamit ng parangal sa iba’t-ibang international film festivals, kasama na ang Fantasporto sa Portugal, Oslo Film From the South Festival, at sa sarili nating Cinemanila International Festival.

 

 

Na-nominate din ito sa Palme d’Or, ang highest prize award sa prestihiyosong Cannes Film Festival.  Ayon pa kay direk Roman Perez ay pinanood niya ang dalawang Korean versions, at pinilit nilang maging malapit sa orihinal na kuwento pero pasok sa panlasa ng mga Pinoy.

 

 

Ayon pa kay Direk Perez, “This is a very timely film. And yes, this can also join film festivals abroad eventually.”

 

 

***

 

 

SAMANTALA, sino kaya ang tinutukoy na nakarelasyon noon ni Kylie Verzosa na hindi ganun ka-supportive sa kanyang career kumpara sa boyfriend niya ngayon na si Jake Cuenca.

 

 

Kuwento nga ng former beauty queen na first time na bibida na hahangaan daw sa pinakitang pag-arte sa The Housemaid“si Jake kasi, very professional pag gumagawa ng intimate scenes, naka-work ko na rin siya sa ganung ka-daring na eksena at naramdaman ko talaga na professional talaga siya.

 

 

“Trabaho talaga yun ng isang actor, pero hindi ‘yun ang highlights kung ano ang mangyayari after, pero journey yun ng character na kailangan pagdaanan, siguro yun ang natutulong niya sa akin sa mga daring scenes.

 

 

“And happy ko na suportive ang boyfriend ko dito sa project na ito, kasi naranasan ko na rin na kapag hindi supportive, mahirap talaga yun pag-uwi mo sa bahay.

 

 

“Kaya happy talaga ako na supportive si Jake and in this industry you really really need someone and a good support system, pag-uwi mo sa bahay, kasi mabigat na nga ‘yun eksena, tapos mabigat pa sa bahay, so, alam mo yun.

 

 

“Kaya happy talaga ako, na very supportive siya sa career ko.”

 

 

Mapapanood na nga ang The Housemaid sa September 10 sa Vivamax.

 

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei App Gallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at makaka-unli watch ka na for 3 days.

 

 

Bukod sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, mapapanood din ang The Housemaid sa Vivamax Middle East!

 

 

Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Saso hahataw sa Japan Classic

    Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.     Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.     Ito ang unang torneo […]

  • Take-over diumano ng Grab sa Move It bilang accredited motorcycle-taxi service provider dapat imbestigahan ng TWG

    APAT na Transport-Commuters Advocates, kabilang na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nanawagan sa Technical Working Group (TWG) ng pilot test ng motorcycle taxi operation na imbestigahan ang diumano ay pagbenta ng MOVE IT sa Grab upang ang huli ay makapasok sa PILOT TEST ng motorcycle taxis.  Matatandaan na tatlo ang binigyan […]

  • Quirino exit ng Skyway 3 binuksan

    Binuksan ng San Miguel Corp. (SMC) ang southbound Quirino exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway sa mga motorista para sa Class 1 na sasakyan.     Ayon sa SMC, ang Skyway Stage 3 Quirino southbound exit ay makakatulong sa mga motorista na galing sa Balintawak at Quezon Avenue na makapunta sa Manila sa loob […]