• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na

HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020.

 

 

Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod na ang isa sa kanila.

 

 

Kaya naman happy ang mag-asawa dahil magkasama sila sa first episode ng The Best Ka! Special co-host ni Mikael si Megan sa unang episode at nag-enjoy sila dahil ang tagal nilang hindi nagkasama sa isang TV show.

 

 

“Ang co-host ko for episode one is none other than my wife. I’m super excited in terms of the show, sobrang enjoy. I think iyon ‘yong mararamdaman ng mga Kapuso natin na manonood ng first episode.

 

 

Sobrang enjoy namin because we haven’t done this in a really long time. Lahat ng energy namin na naipon over the past one and a half or two years, doon na namin nilabas sa first episode,” sey ni Mikael.

 

 

Sa studio pa lang naman daw nagsu-shoot ng kanyang intro, extro at pag-comment sa video clips si Mikael. Marami raw silang maibabangko na episodes kaya hindi raw niya kailangang bumiyahe every week para mag-shoot.

 

 

May dapat na singing competition sa GMA na ihu-host ang dalawa na Sing For Hearts. Nagpa-audition na ang GMA para sa naturang show last year, pero wala pa raw balita kung kelan ito matutuloy.

 

 

Umaasa rin si Mikael na matuloy ang show dahil pagkakataon ulit iyon na makasama niya sa hosting ang misis niya.

 

 

***

 

 

NASA lock-in taping na si Kylie Padilla para sa bagong teleserye ng GMA na Bolera.

 

 

Ito ang pagbabalik ni Kylie sa paggawa ng teleserye pagkatapos niyang makipaghiwalay sa mister na si Aljur Abrenica. Huling teleserye ng aktres ay ang TODA One I Love noong 2019.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Kylie ang isang eksena kung saan malungkot siya na nakaupo sa harap ng isang puntod. Sa isa pang photo, ipinakita naman ni Kylie kung gaano siya ka komportable sa set ng Bolera.

 

 

Gaganap na isang billiard prodigy si Kylie sa Bolera at makakasama niya rito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Joey Marquez, Gardo Versoza, Ricardo Cepeda at Jaclyn Jose.

 

 

 

Panay naman ang video call ni Kylie sa kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo kapag breaktime at kapag pack-up na isang eksena.

 

 

Sa isang post niya, sinabi niya na ang ginagawa niya ay sakripisyo para ma-assure ang magandang kinabukasan ng kanyang mga anak. Bilang single mother, kailangan niyang magtrabaho at hindi siya aasa sa ibang tao, lalo na sa kanyang estranged husband na si Aljur.

 

 

Nakatanggap ng bashing si Aljur mula sa netizens nang mabuking na kasama niya si AJ Raval noong Valentine’s Day sa Leyte.

 

 

Sey ng ilang netizens, alam naman daw ni Aljur na nasa lock-in taping si Kylie kaya sana ay sinamahan niya ang dalawang anak nila noong Valentine’s Day.

 

 

Pero mas pinili pa raw nitong makasama ang babae niya kaya kinukuwestiyon ulit ang pagiging responsableng ama niya sa mga anak nila ni Kylie.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Hollywood box-office director and producer na si Ivan Reitman sa edad sa 75.

 

 

Nakilala si Reitman sa pagdirek at pag-produce ng blockbuster hits na National Lampoon’s Animal House (1978), Ghostbusters (1984), Twins (1988), at Space Jam (1996).

 

 

Ayon sa pamilya ni Reitman, the film director died in his sleep sa kanyang bahay sa Montecito, California noong nakaraang February 12.

 

 

“Our family is grieving the unexpected loss of a husband, father and grandfather who taught us to always seek the magic in life,” ayon sa kanyang mga anak na sina Jason, Catherine and Caroline.

 

 

Reitman was born in Czechoslovakia in 1946 and grew up in Canada, Nagsimula siyang magdirek at mag-produce ng short films habang student pa lang siya sa McMaster University in Hamilton, Ontario. Naging college mate niya ay ang award-winning comedian na si Eugene Levy.

 

 

Bukod sa pagkakaroon ng star sa Hollywood Walk of Fame, ginawaran din si Reitman bilang officer of the Order of Canada.

 

 

Ang iba pang pelikulang nagawa ni Reitman ay Stripes, Kindergarten Cop, Junior, My Super Ex-Girlfriend, Father’s Day, Legal Eagles at Ghostbusters 2.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

    Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.   Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.   Ayon kay Department […]

  • Ads August 3, 2020

  • TIM BURTON’S “BEETLEJUICE” BACK EXCLUSIVELY TO AYALA MALLS CINEMAS’ “THRILL FEST” FOR ITS 35TH ANNIVERSARY

    AYALA Malls Cinemas exclusively brings back Tim Burton’s remastered “Beetlejuice” starting today, October 25, the iconic film that pushed the boundaries of film genres at the time it was released in March 1998.     Celebrating the film’s 35th anniversary, the remastered version of “Beetlejuice” will span an audience who grew up in the 80s and […]