• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LA LAKERS, ‘DI MUNA MAGSASAGAWA NG ANUMANG URI NG SELEBRASYON HANGGA’T MAY PANDEMYA

PORMAL nang inanunsyo ng Los Angeles Lakers na hindi raw muna sila magsasagawa ng anumang uri ng selebrasyon bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Kasunod ito ng pagkakasungkit nila ng kampeonato sa NBA Finals matapos ang isang dekada.

 

Sa pahayag ng Lakers, matapos ang kanilang konsultasyon sa mga city authorities ay nagkasundo sila na gawin na lamang ang pagdiriwang sa oras na ligtas na itong gawin.

 

“We cannot wait to celebrate our NBA title with our fans,” saad ng Lakers. “After consulting with the City and the County, we all agree that a joyful and inclusive public celebration will take place as soon as it is safe to do so. In the meantime, thank you again, Lakers Nation, for your support!” Sa kasalukuyan, nakabalik na sa Los Angeles ang koponan.

 

Una rito, nasa 1,000 katao ang nagtipon-tipon sa downtown matapos ang tagumpay ng Lakers kontra sa Miami Heat sa Game 6 kung saan ang iba ay nagtungo pa sa home court ng koponan sa Staples Center.

 

Kalaunan ay naging magulo ang sitwasyon kaya napilitan ang mga pulis na dakpin ang nasa 76 indibidwal.

 

Nagpaalala naman si Los Angeles Mayor Eric Garcetti na bawal pa rin ang mga public gatherings at kung gusto raw talaga ng mga fans na magdiwang ay sa bahay na lang daw muna ito dapat idaos.

Other News
  • DILG may sapat na contact tracers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

    Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon silang sapat na contact tracers lalo na ngayong patuloy muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.     Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano, na naging agresibo ang mga local government units sa paglaban ng banta ng Omicron coronavirus variant.     Ipinatupad aniya […]

  • Kawatan timbog sa entrapment sa Malabon

    Nasakote sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na kawatan nang tangkain ipatubos ang ninakaw na mobile phone at relos sa dalawang biktimang kanyang ninakawan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Hindi na nakapalag si Ronald Lamigas, walang hanapbuhay at residente ng Block 37 Lot 17, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, […]

  • Pagbubukas ng klase sa public schools, ‘generally peaceful’ – PNP

    PANGKALAHATANG mapayapa ang unang araw ng pagbubukas ng klase Agosto 29 sa mga pampublikong paaralan. Sinabi ni Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na wala namang natanggap na anumang gulo o untoward incident ang PNP. Nabatid na umaabot sa 32,706 pulis ang dineploy kahapon upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan. Naglatag din […]