La Salle ibinunton ang galit sa UST
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nasandalan ng Green Archers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat na panalo at mapatatag ang kapit sa No. 2 spot tangan ang 4-1 baraha.
Magandag resbak ito para sa La Salle matapos yumuko sa nagdedepensang Ateneo noong Sabado.
Nakakuha ng solidong suporta si Baltazar mula kay Kurt Lojera na nagsumite ng 15 markers.
“I think it’s very important for us, this win. It’s because after coming up with a loss against Ateneo, the thing that I told the boys the important thing is how we bounce back,” ani La Salle coach Derrick Pumaren.
Nakuha ng Green Archers ang 19 puntos na kalamangan sa huling 1:42 sa third quarter.
Sinubukan ng Growling Tigers na makahirit matapos maibaba sa siyam na puntos ang bentahe ng Green Archers, 58-67, sa fourth quarter subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Espana-based squad.
Bumida para sa UST sina Nic Cabanero at Joshua Fontanilla na may ptig-20 points.
Nahulog ang UST sa 2-3 baraha.
Sa ikalawang laro, tinakasan ng UP Fighting Maroons ang Adamson Falcons, 73-71, para sa kanilang 4-1 kartada.
Nagtala si Zavier Lucero ng 20 points.
-
Kelot todas sa pakikipagbarilan sa pulis sa Caloocan
Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong […]
-
‘Mother tongue’ sa Kinder-Grade 3, ititigil na
ITITIGIL na ang pagtuturo ng ‘mother tongue’ mula Kinder hanggang Grade 3 matapos mag-”lapse into law” ang Republic Act 12027, o pagpapatigil sa paggamit ng ‘mother tongue’ bilang ‘medium’ sa pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3. Ang nasabing batas ay nag-aamyenda sa Enhanced Basic Education Act of 2023 o Republic Act 10533 na […]
-
Ayuda sa Metro Manila sisimulan na – DILG
Posible umanong nasimulan na noong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipatutupad ng pamahalaan sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito. “Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na […]