• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR

UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region.

 

 

Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila.

 

 

Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan sa kanilang paghahain ng petsiyon para sa hirit na pagtaas ng minimum wage sa P1,007 ang kagutuman, malnutrisyon at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

 

 

Sa isang statement sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na malinaw na ang minimum wage earners at ang kanilang pamilya ay kabilang sa mga nasa katergoryang may mababang income at maituturing na mahirap.

 

 

Ipinunto pa ng labor group na ang kasalukuyang buwanang naiuuwing sahod na P12,843.48 ay malayong mababa ito sa inaasahang monthly wage na P16,625 poverty threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila.

 

 

Taong 2019 ayon kay Mendoza, nadismissed ang kanilang petisyon sa pagtaas ng sahod subalit nagyon sila ay gumagawa aniya ng aksiyon para sa mga mahihirap na manggagawa sa Metro Manila gayundin para sa kanilang pamilya para malabanan ang kahirapan.

Other News
  • Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

    Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.   Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.   Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]

  • Limang dekalidad na pelikula, bakbakan sa ‘5th EDDYS’: CHARO, MAJA, ALESSANDRA, KIM at JANINE, salpukan sa pagka-Best Actress

    LIMANG dekalidad at pinag-usapang pelikula noong nakaraang taon ang maglalaban-laban para sa 5th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tiyak na magiging mahigpit na naman ang labanan para sa major awards ng ikalimang edisyon ng The EDDYS na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater o MET.     […]

  • THE CHILDREN STEP UP TO FIGHT THE CREATURES IN “A QUIET PLACE PART II”

    THEIR father Lee Abbott (John Krasinski) pulled off the ultimate sacrifice in order to save them in  A Quiet Place Part.  Now, in the sequel A Quiet Place Part II, Regan (Millicent Simmonds) and Marcus (Noah Jupe) must step up to the plate as they seek refuge from the sounds that draw the omnipresent alien creatures. […]