Lacuna at Servo, tatakbo sa reelection sa Maynila
- Published on August 29, 2024
- by @peoplesbalita
TATAKBONG muli sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo para sa reelection, sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Mismong sina Lacuna at Servo ang nagkumpirma sa muli nilang pagkandidato, nang dumalo sa buwanang “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association, na ginanap kahapon sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Manila.
Ayon kina Lacuna at Servo, magkasama silang maghahain ng kandidatura pagsapit ng Oktubre, at tatakbo para sa panibagong termino sa susunod na halalan.
Nagpahayag din ng kumpiyansa ang dalawang pinakamataas na opisyal ng lungsod na muli silang pagkakatiwalaang ihalal ng mga residente at walang pagpapalit ng pamunuan na magaganap sa lungsod.
“We are confident Manileños will renew for another three years the mandate they gave us in the May 2022 elections,” ayon sa alkalde.
Tiniyak din naman ng alkalde na handa silang harapin maging sinuman ang makalaban sa susunod na halalan.
“We are ready for anyone who will compete for the mandate from Manileños. We have a strong record of public service and results that our constituents can measure up against others,” dagdag pa ni Lacuna.
-
Gibo Teodoro at Dr. Ted Herbosa, nanumpa kay PBBM bilang mga bagong miyembro ng gabinete
NANUMPA na sa kani- kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ngayong umaga sina Gilbert ” Gibo ” Teodoro at Dr Ted Herbosa. Si Teodoro ay manunungkulan bilang Defense Secretary habang si Herbosa ay magsisilbing Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan. Kasamang nanumpa ni Teodoro Ang kanyang kabiyak na […]
-
EDSA bus rides tuloy hanggang December
NAGLABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 billion upang gamitin sa pinahabang libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang December tamang-tama sa pagbubukas ng face-to-face na klase sa mga paraaralan Inaprobahan ni Budget chief Amenah Pangandaman ang pag release ng pondo para sa programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land […]
-
Work-from-home scheme pag-aaralan
PAG-AARALAN ng Malakanyang kung dapat ng patulan ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) magkaroon ng “flexible work arrangement” ang mga government employees dahil na rin sa COVID-19. “I think, pag-aralan natin. We will study it,” ayon kay Sec. Panelo. Sa naging pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza ay sinabi […]