Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni PBBM, DHSUD sa mga nasunugan
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo.
Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. Acuzar ang dapat nilang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa pangangailangan ng Manilenyo na nagdaranas ng matinding pangangailangan dahil kapos sa pinansiyal ang Maynila bunsod ng binabayarang P17.8 bilyong utang sa mga bangko ng nakalipas na adminsitrasyon.
“Ako po ay hindi mahihiyang manghingi para sa inyo. Gagawin at gagawin natin ‘yan,” ani Lacuna sa pagkakaloob ng financial assistance mula sa DHSUD, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Manila city government.
Nagbigay ang DHSUD ng emergency shelter support sa 2,006 pamilya na nawalan ng tirahan na tig-P30,000, na ang 1,014 dito ay naitalang may totally-damaged houses sa Aroma, Tondo, sakop ng Barangay 106.
Nakatanggap din ang apektadong pamilya ng tig-P10,000 mula sa Manila city government bukod pa sa P10,000 mula sa DSWD, nang aprubahan ang request ni Lacuna.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga recepients na kung magtatayo ng bahay nila ay tiyakin na walang maiiwang mga basura na nakakalat at hintayin ang pagdating ng garbage collector.
-
LUMAGDA sina Mayor John Rey Tiangco sa isang memorandum of agreement (MOA)
LUMAGDA sina Mayor John Rey Tiangco sa isang memorandum of agreement (MOA), kasama sina Atty. Michael Drake Matias, Regional Director ng Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR), at Ms. Sonia Mendoza, Chairperson ng Mother Earth Foundation (MEF) dahil sa hangarin ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na […]
-
Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup
Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Terence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup. Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight. […]
-
Bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1
MAGPAPATUPAD ng bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1 ang Inter-Agency Task Force (IATF). Sa katunayan ay pinagtibay ng IATF kahapon, Enero 26, 2021 ang sumusunod na testing at quarantine protocols para sa lahat ng tao na papayagang makapasok ng Pilipinas. Ang mga darating na pasahero saan man manggagaling ay kailangan […]