• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP

INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.

 

Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.

 

Ayon kay Anthony Davis, batid daw nilang proud si Kobe, maging ang biyuda nitong si Vanessa at ang buong organisasyon sa kanilang panalo.

 

“Ever since the tragedy, we wanted to do it for him, and we didn’t want to let him down,” wika ni Davis.

 

“I know he’s looking down on us and proud of us, I know (Bryant’s wife) Vanessa is proud of us, the organization is proud of us. It means a lot to us.

 

“He was a big brother to all of us and we did this for him.”

 

Matapos ang panalo, bumuhos sa mga kalsada ang mga fans na isinisigaw ang pangalan ni Kobe, bilang pakikiisa sa panalo ng Lakers.

 

Kaugnay nito, inamin naman ni Team President Jeanie Buss na nalulungkot sila dahil hindi na nasilayan pa ni Bryant ang pagkakadagit ng koponan ng kampeonato matapos ang isang dekada.

 

“To Lakers nation, we have been through a heartbreaking tragedy with the loss of our beloved Kobe Bryant and Gianna,” ani Buss.

 

“Let this trophy serve as a reminder of when we come together, believe in each other, in- credible things can happen.”

Other News
  • Ngayong summer break, pagnilay-nilayan sana ng mga senador ang panukalang pagbabago sa konstitusyon

    UMAASA si CamSur Rep. LRay Villafuerte na bibigyang panahon para pag-isipan at pag-aralang maigi ng mga miyembro ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes ngayong congressional break sa pagdesisyon sa report sa panukalang pagbabago sa restrictive economic provisions ng konstitusyon.     Sa kabila na isinusulong ng committee chairman nitong si Senador […]

  • 50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

    Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.     Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.   […]

  • ‘Avatar: The Way of Water’, ‘Doctor Strange 2’, and ‘Lightyear’, Soon to Hit Theaters!

    Walt Disney Studio provided exciting details     during the recent CinemaCon in Las Vegas for its 2022 theatrical release slate from Pixar Animation Studios, Marvel Studios, and 20th Century Studios, including a first look at the “Avatar” sequel!     The title of the “Avatar” sequel, which will open in theaters December, is “Avatar: The […]