• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lakers binuhat ni Davis sa panalo vs Jazz

Kumamada si Los Angeles Lakers star Anthony Davis ng 42 points upang sakmalin ng koponan ang liderato sa Western Conference matapos talunin ang madulas na Utah Jazz sa iskor na 116-108 sa restart ng season sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida.

 

Hawak ngayon ng Lakers (51-15)  ang anim na panalong pangunguna kontra sa 2nd  place na Los Angeles Clippers (42-25) habang may natitira pang limang laro bago magsimula ang playoffs.

 

Nagresulta ang final basket ni Davis sa 4-point play habang may natitira pang 42 seconds sa regulasyon matapos ma-foul ni Rudy Gobert at mapalawig ang kalamangan sa 114-102.

 

Umiskor sina LeBron James ng 22 points, Dwight Howard, 11 habang si Kentavious Caldwell-Pope ay may 10 para sa Lakers.

 

Nanguna naman  para sa Jazz sina Donavan Michell na may 33 points at Mike Conley, 24.

Other News
  • Customs ni-raid ‘hoarders’ ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga

    LIBU-LIBONG  sako ng hinihinalang hino-hoard na asukal ang nasabat sa isang warehouse sa San Fernando City, Pampanga sa gitna ng reklamo ng mga konsumer ng nagtataasang presyo nito sa merkado.     Huwebes nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Customs ang Lison Building, kung saan naroon ang New Public Market, sa barangay Del […]

  • Pinas, nakatakdang tumanggap ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac at Gamaleya ngayong Abril

    SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.   Sa 2 milyong doses, 1.5 milyon ang ide-deliver ng Sinovac habang ang 500,000 naman ay manggagaling mula sa Gamaleya.   Hinggil naman […]

  • Panukalang pagpapakita ng booster card bago makapasok sa mga establisyemento sa MM mahirap gawin

    SA KASALUKUYAN ay mahirap gawin ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na gawin na ding requirement ang pagkakaroon ng booster card sa NCR.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni infectious disease specialist Dr Edcel Salvana na malayo pa ang bansa sa senaryong marami na ang nakatanggap ng booster shot. […]