• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS

SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.

 

Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.

 

Pero sa Sabado kasi ay may tsansa na ang Lakers na masungkit ang kampeonato tangan ang 3-1 lead kontra sa Miami Heat sa kanilang best-of-seven series.

 

Katunayan, 4-0 ang Lakers sa tuwing suot nila ang Black Mamba uniforms ngayong postseason.

 

Sa mga nakalipas na interview, nabanggit nina Lakers coach Frank Vogel, LeBron James at Anthony Davis na kanilang sinisikap na tularan ang “Mamba mentality” ni Bryant at ang pagnanasa nito na laging manalo.

 

Iniaalay ng Lakers ang nalalabing bahagi ng season kay Bryant, na sumakabilang buhay kasama ang walong iba pa matapos ang nangyaring pagbagsak ng sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.

Other News
  • ‘Kontrabida’ ni NORA, mukhang hinahanapan pa ng magandang playdate

    GUSTO namin batiin si Roderick Paulate or Kuya Dick sa kanyang nominasyon sa 34th Star Awards for TV as Best Supporting Actor para sa GMA 7 series na One of the Baes.     We don’t know kung ilang beses na nagwagi sa PMPC Star Awards for TV si Kuya Dick pero we are sure na […]

  • Drug-buster cops, ‘viral’ traffic enforcer pinuri ng Navotas

    KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang huwarang pagganap ng mga opisyal ng Navotas City Police at isang enforcer ng City Traffic and Parking Management Office.     Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod, pinuri ng lungsod ang 44 na pulis na lumahok sa raid sa Baguio na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 574.8 kilo […]

  • Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños

    IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito.     Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri […]