• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKI, NAGPANGGAP NA SUNDALO, BUKING

NABUKING na hindi pala sundalo ang isang lalaki na naunang inaresto dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Maynila.

 

 

Kinilala ang suspek na si Romeo Puyat Jr na taga Pampanga na kuntodo unipormado pa ng sundalo.

 

Ayon kay P/Lt Col Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police Station, nasita ang suspek dahil sa kanyang pag-counterflow.

 

Sinabi pa ni Cayaban na pumalag din noong una si Puyat at sinabing siya ay sundalo at nagmamadali kaya nagawa nitong mag-counterflow.

 

Alibi umano ng suspek, lumuwas ito ng Maynila dahil mag-aaply bilang OFW kung saan nakuha sa kanya ang tatlong pasaporte na ang isa ay nakapag-alaman sa kanya habang ang dalawa pang pasaporte ay pag-aari ng kanyang kasintahan at kaibigan.

 

Nang hingan ng iba pang dokumento o identification card bilang sundalo, tanging ang ID niya na security guard lamang ang kanyang naipakita.

 

Maging ang gamit nitong kulay itim na SUV ay wala ring maipakitang rehistro.

 

Dahi dito, mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ANGELINE, nagiging emosyonal pero nag-let go na dahil mas peaceful na ang namayapang ina

    NAGING emotional si Angeline Quinto nang sariwain ang alaala ng kanyang namayapang ina sa contract signing cum presscon ng kanyang bagong endorsement na Ayesha Beauty Products noong Biyernes ng hapon sa Romulo’s Café.     Aminado si Angeline na masyadong siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kanyang ina.     “Pero sinabi ko kay Mama na […]

  • 2 football club officials kulong sa stadium crush sa Indonesia

    Pagkakakulong  ang naging  hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.   Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.   Nakitaan umano ng korte sa […]

  • PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

    INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.     Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring […]