• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene

ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa.

 

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city.

 

Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, alas-11:50 ng tanghali, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP)-8 sa pangunguna PEMS Ronaldo Ruiz, kasama si PCpl Rafaelito Santos at Pat. Mark Anthony Gatchalian sa Brgy. Mapulang Lupa, nang ipaalam sa kanila ng concerned citizen ang hinggil sa kahina-hinalang motorsiklo na ibinibenta ng suspek sa Orosco Purok 4.

 

Nang puntahan ng mga pulis, hinanapan nila ng ID ang suspek subalit, wala itong naipakita at napag-alaman sa papeles ng motorsiklo na nakapangalan ang motor sa ibang tao.

 

Dito, naghinala ang mga pulis kaya’t inatasan nila ang suspek na ilabas ang laman ng compartment ng motorsiklo at nadiskubre nila ang isang patalim, dalawang driver’s license na nakapangalan sa magkaibang tao at limang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ni PCpl Santos at Pat. Gatchalian ang suspek.

 

Nauna rito, alas-8 ng Linggo ng gabi nang harangin din umano ng suspek na sakay sa nasabing motorsiklo ang dalawang batang babae malapit sa naturang lugar saka tinutukan ng patalim ang isa at tinangay ang cellphone ng bata kung saan positibo siyang kinilala ng biktima.

 

Inaalam pa ng mga pulis kung nakaw ang dalawang motorsiklo ng suspek at kung may kaugnayan siya sa isang suspek na unang naaresto sa robbery snatching sa Brgy, Lawang Bato matapos ang isa sa driver’s license na narekober sa kanya ay nakapangalan sa may-ari ng motorsiklo na narekober sa na nadakip na suspek ng robbery snatching at carnapping. (Richard Mesa)

Other News
  • Ex-Top 3 cop ng PNP na si PLTGEN Santos Jr. na dawit umano sa 990KG drug haul, iginiit na inosente siya sa naturang mga alegasyon

    IGINIIT  ni dating PNP Deputy Chief for Operation na si PLGEN Benjamin Santos Jr. na siya ay inosente at walang kinalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya na may kaugnayan sa ilegal na droga.     Ito ay matapos na makaladkad ang kaniyang pangalan sa kaso ng 990 kilo ng shabu na nasabat mula […]

  • Ads June 24, 2022

  • Parks hindi ban sa PBA — Marcial

    Hindi maba-ban si Bobby Ray Parks Jr. sa PBA.     Ito ang binigyan linaw ng pamunuan ng PBA kung saan tiniyak nitong walang ipapataw na ban sa Talk ’N Text guard.     Nagsulputan sa social media ang ilang larawan na umano’y binigyan ng ban ng PBA si Parks matapos ang ginawa nitong biglaang […]