• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking armado ng shotgun, dinampot sa Malabon

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang posasan ng pulisya makaraang maaktuhan may bitbit na shotgun na kargado ng bala habang pagala-gala sa Malabon City.

 

 

Sa imbestigasyon ng Malabon police, nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa Pilapil St., Brgy , Catmon ang mga tauhan ng Police Sub-Station-4 hinggil sa isang lalaki na mistulang nasa “war zone” kung umasta dahil armado ng baril.

 

 

Kaagad silang nagresponde sa nasabing lugar kung saan natiyempuhan nina P/SSg. Bernardino Bernal at P/Cpl. Rochester Bocyag ang suspek na nakilala sa alyas ‘Rodel’ na palakad-lakad habang may bitbit na na baril.

 

 

Bago pa makaporma, kaagad dinamba ng mga pulis suspek at nakumpiska sa kanya ang isang 12 gauge shotgun na may tatak na “Squibman” at kargado ng dalawang bala.

 

 

Nabigo naman si ‘Rodel’ na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng mataas na uri ng armas kaya isinelda kaagad siya ng mga pulis. (Richard Mesa)

Other News
  • Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

    ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.     Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]

  • Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

    PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.     Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.     “The total investment value, we used […]

  • Naghatid ng simple at kakaibang concert sa mga fans: JK, gumawa ng eksena sa paglabas ng venue habang kinakanta ang ‘Manhid’

    PINILIT talaga naming makarating sa first-ever major concert ni Juan Karlos na kilala rin bilang JK Labajo na ginanap sa SM MOA Arena, mereseng maraming kasabay na showbiz events, bukod pa sa sobrang trapik dahil ramdam na ang Christmas rush.     Ang ‘juankarlosLIVE!’ na prinodyus ng Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia Sanchez, na […]