Lalaking nag-amok habang armado ng pen-gun sa Navotas, kalaboso
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang mag-amok habang may bitbit na improvised gun sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, iniulat ng isang concerned citizen sa Tanza Police Substation 1 ang hinggil sa isang lalaki na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na improvised gun sa Masipag Street, Brgy. Tanza Uno.
Agad pinuntahan ng mga tauhan ng SS1 ang nasabing lugar at naabutan nila ang lalaki na nagwawala subalit, nang makita niya papalapit na mga armadong pulis ay nawala ang kanyang tapang at hindi na pumalag nang posasan siya dakong alas-4:40 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek na si alyas “Buang” ang hawak na isang improvised gun (pen-gun) na kargado ng isang bala ng cal. 38 saka binitbit siya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino
-
TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST
NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]
-
PBA bubble nilindol
WALANG nai-report na mga nasaktan at kasiraan sa lindol Sabado ng gabi sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga. Ipinahayag kahapon ni ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na nakumpirma lang niya ang lindol sa mga tumawag na nagtanong sa kanya at may ilang players din sa […]
-
MMDA, magde-deploy ng mahigit sa 2.7K personnel para sa Mahal na Araw
NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa. Sa isang kalatas, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang mga tauhan […]