Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang walang suot na helmet si Bright Crisostomo, 20 ng 94 B Mabalacat St. 6th Avenue, Brgy. 111 nang tangkain nitong takbuhan ang police checkpoint sa kanto ng M.H. Del Pilar at 6th Avenue Streets dakong 8:40 ng gabi na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis.
Nang makorner nina P/Cpl. Ram Jorge Venturina at Pat. Emmanuel Gomez, Jr. ng East Grace Park Police Sub-Station 2 ay tinangka nilang arestuhin ang suspek subalit nanlaban ito at sapilitang inagaw ang service firearm ni Cpl. Venturina.
Itinutok ng suspek ang baril kay Ventura at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo habang nagsasalita na “Pu..ina mo, papatayin kita” subalit nasa safety mode ang baril kaya’t hindi ito pumutok.
Kaagad sinunggaban ni Pat. Gomez ang baril hanggang sa madisarmahan nito ang suspek saka pinosasan.
Ani kay Col. Mina, iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong Frustrated Murder at paglabag sa Article 151 o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents. (Richard Mesa)
-
Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’
SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation. Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa. Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang komedyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]
-
P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS
LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11. Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at […]
-
Ads November 10, 2021