Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove Delivery ng Manalo Compd. Dalandanan.
Ayon kay Col. Ortega, alas- 12:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos ang buy-bust op- eration kontra sa mga suspek sa bahay ni Gonzalez sa No. 6-A T. De Gula St., Brgy. Marulas.
Habang nagaganap ang buy- bust, nilabas ni Gonzalez mula sa kanyang sling bag ang isang cal. 45 “replica” saka pinagbantaan ang police poseur- buyer na si PCpl Mario Martin ng “Pre baka asset ka ha pag tinimbre mo ako babarilin kita dati akong NPA commander”.
Nang matapos ang transaksyon, agad nagbigay ng signal si PCpl Martin sa kanyang mga kasama kaya’t mabilis lumapit ang back up na si PSMS Roberto Santillan at PCpl Francis Cuaresma saka inaresto si Gonzalez at Modejar.
Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiap, nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 40 gramo ng shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga, P300 buy- bust money, P700 bills, 2 cellphones, stainless box, digital weighing scale at cal. 45 replica.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearm (gun replica). (Richard Mesa)
-
Malabon, nakuha ang nod ng COA para sa epektibong paggamit ng pondo
NANGAKO si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na ipagpapatuloy at pagbutihin ang malinaw at mahusay na paggamit ng pampublikong pondo sa pagpapatupad ng mga programa para sa pangangailangan ng mga residente matapos itong makatanggap ng “Qualified Opinion” sa Taunang Audit Report ng Commission on Audits (COA) para sa Annual Audit Report for the Calendar Year […]
-
At 81, gumawa ng history ang lifestyle guru: MARTHA STEWART, oldest cover model ng Sports Illustrated Swimsuit Issue
HUMATAW sa TV ratings ang pagsisimula ng groundbreaking live-action adaptation ng GMA na “Voltes V: Legacy!” Maliban diyan, kaliwa’t kanan din ang papuri ng diehard at new generation fans para sa megaserye! Marami ang humahanga hindi lang sa world-class visual effects nito kundi pati na rin sa mas pinalalim na kuwento ng bawat […]
-
Crime rate bumaba ng 73.76%
BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na […]