Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America.
Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili naman ang strict border control sa bansa.
“Sa ngayon, ang Lambda variant is identified as a variant of interest. So hindi pa siya variant of concern at ang ating pamamaraan ay ganoon pa rin – strict border control. At napatunayan na natin na ito’y epektibo dahil nga sa Delta variant ay wala pang nakakalusot ni isa sa atin pong mga komunidad, wala pa pong local case nor local transmission ano,” ayon kay Duque.
“So iyan po ang paigtingin natin, ang border control – ibig sabihin po nito 14-day quarantine – 10 in the government identified quarantine facility, test on the 7th day and completion of the remaining 4 days in their home, LGU or residents and of course iyong bio-surveillance natin na ginagawa ng Philippine Genome Center,” dagdag na pahayag nito.
Para naman kay Sec. Roque, nakatulong sa bansa na walang direct flights sa Pilipinas mula sa Latin America dahil ang lahat aniya ng mga flights ay nag-originate sa Estados Unidos.
“So in due course po, we will monitor also the development and we will act accordingly,” ani Sec. Roque.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na ang lahat ng mga bakuna sa bansa laban sa Covid -19 ay ligtas at epektibo.
Binigyang diin pa nito na ang mga bakuna na ibinigay sa mga mamamayang Filipino ay libre.
“Wala naman pong datos or wala naman pong impormasyon na kung nababawasan ba ang pagiging epektibo ng ating mga bakuna dito sa bagong C.37 variant; so effective ang lahat ng ating mga bakuna thus far,” ang pahayag ni Duque. (Daris Jose)
-
‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD
INILUNSAD ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sariling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon. Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod. “We will deploy drones […]
-
HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ
SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account. Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid. Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa […]
-
Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan
TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates. Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa […]