• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LANDBANK at LTO: ANYARE sa DELAY ng CAR PLATES

Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 to 2018 kung hindi maiaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito. Resulta diumano ito nang i-freeze ng Landbank Ortigas branch ang P180 million pesos na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc.

 

 

Dahil sa “freeze order” ay hindi tuloy nakabayad ang supplier sa kanilang mga lokal at foreign suppliers at creditor banks.  Naantala tuloy ang delivery ng mga plaka. Ang freeze order ay napasyahan ng
Landbank base lamang sa isang sulat galing sa nagngangalang Christian Calalang na nagpapakilalang Presidente ng kumpanya.

 

 

Pero um-exit na sa eksena itong si Calalang nang mag take over na ang grupo ni Annabelle Arcilla sa pamamagitan ng isang Deed of Assignment.  Ang signatory ng Landbank ay si Arcilla representing  OMI-JKG.

 

 

Hindi lang ang Landbank ang sinulatan ni Calalang. Nagpadala rin siya sa AUB, Security Bank at Union bank, pero hindi pinansin ito ng mga nasabing banko dahil wala naman maipakitang Court Order man lang si Calalang para i-freeze ang pag release ng pera sa OMI- JKG.  Tanging landbank lang ang pinagbigyan ang sulat ni Calalang.

 

 

Ano ang ginawa ng LTO sa gitna ng problemang ito?  Imposibleng hindi alam ng mga opisyal ng LTO ang punu’t dulo ng awayan nila Arcilla at Calalang dahil sa nakakausap naman nila ang mga ito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO na nagkaroon na ng sale at transfer of ownership and management ang grupo ni Calalang kay Arcilla at nagamit na ni Calalang diumano ang halagang P477 million pesos na mobilization fee para sa pag award ng project?

 

 

Hindi ba at may mga dokumento na ang LTO (maging ang LANDBANK) sa bagong resulta ng imbestigasyon ng NBI dito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO kung sino ang aktwal na nag-deliver ng mga naunang plaka? Sa laki ng perang involved dito na IBINAYAD NG LIBU-LIBONG CAR OWNERS ay dapat alam ng LTO kung kanino dapat ibayad ang pera upang madeliver na ang mga plaka.

 

 

Kung ibabayad kay Arcilla ay makakapag-deliver ba siya? At kung kay Calalang naman, may kakayahan ba ito kung ibinenta na niya mismo ang proyekto kay Arcilla?

 

 

Pero ang balita ay gumamit ng “legal strategy” ang Landbank at LTO. Nagsampa o magsasampa raw ng interpleader case ang Landbank at LTO sa dalawang grupo upang ang dalawa raw ay magdemandahan kung sino dapat ang bayaran.

 

 

Heto ang magiging “lusot” ng Landbank at LTO para hindi mabayaran ang supplier. So habang may kaso ay wala munang plaka ang mga car owners? Ilang taon matatapos ang kaso? Aba wala na ang mga kasalukuyang nakaupo sa LTO ay nagkakaso pa?

 

 

Meantime pabor ang sitwasyon sa Landbank Ortigas dahil may P180 million pesos silang pondo at nagagamit. Pabor din sa mga LTO Officials dahil ikakatwiran nila na may Interpleader case pa!

 

 

Pero talo ang mga car owners dahil habang may kaso ay walang plaka. Paano na ang mga binayad nila.  Aba’y luma na mga sasakyan nila wala pang plaka.

 

 

Talo rin ang lehitimong supplier dahil mababaon sa utang dahil sa interest ng kanilang utang at malamang tuluyan nang hindi makapag-deliver.

 

 

Bakit gagamiting palusot ang “legal strategy” kung sa lebel naman ng LTO at Landbank ay kaya nilang desisyunan at paboran kung sino ang nagsasabi ng totoo.

 

 

Huwag gamitin ang husgado para magkaroon ng injustice! Injustice sa car owners – injustice sa suppliers. At lalo nang huwag gamitin ang batas upang itago ang korapsyon kung meron man.

Other News
  • FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS

    IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan.   Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa […]

  • 55 party-list groups naproklama na – Comelec

    NATULOY na ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 55 mga nanalong mga party-list groups.     Naganap ang proklamasyon kahapon Huwebes  sa PICC Forum 2 Tent sa Pasay City.     Sa inilabas na complete list ng mga nanalong party-list groups ang lahat ng mga ito ay entitled ng isa o higit pa […]

  • BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO

    ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila. Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. […]