• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lao, nasa Pinas pa- Sec. Roque

WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM), na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na binili di umano ng gobyerno na COVID-19 pandemic supplies mula sa maliit na kumpanya.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. ay matapos na hilingin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon ang pagpapalabas ng hold departure order para kay Lao dahil sa di umano’y pagtatangka nito na umalis ng bansa.

 

“Hindi ko po alam kung nasaan siya, pero nakausap ko po siya sa telepono,” ayon ka Sec. Roque.

 

“Walang indikasyon na wala siya sa bansa,” dagdag na pahayag nito.

 

Kapwa nabanggit nina Lao at Roque na ang COVID-19 pandemic supplies ay binili mula sa Pharmally at ang Pharmally ang nakakuha ng bilyong halaga ng kontrata base sa kalidad, , affordable price at kakayahan na mai-deliver ang goods gaya ng personal protective equipment sa tamang oras.

 

Si Lao ay dating pinuno ng DBM’s Procurement Service ang siyang bumili ng pandemic supplies mula sa Pharmally kahit pa na ang kompanya ay mayroon lamang na startup capital na 625,000. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.     “I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.     Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi […]

  • Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor

    HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca.      Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.     Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na […]

  • P125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President, inubos sa loob ng 11 araw – Quimbo

    GINASTOS ng Office of the Vice President (OVP) ang P125 milyong confidential fund (CF) nito sa loob lang ng 11 araw at hindi 19 araw.     Ito ang isiniwalat kahapon ni House Committee on Appropriations vice chairperson at Marikina City Rep. 2nd District Rep. Stella Quimbo, base sa impormasyon sa mga dokumentong ibinigay sa […]