• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Layuning turuan at itaas ang kamalayan ng publiko: BARBIE, kasama na sa “Stream Responsibly. Fight Piracy.” campaign

OPISYAL nanumpa si Maria Clara at Ibarra lead star and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang isa sa mga ambassadors ng GMA Network para sa Anti-Piracy campaign “Stream Responsibly. Fight Piracy.

“It is such a responsible campaign to be part of. Being an artist myself, it is important to have and to be part of campaigns like this.
“This validates the hard work of the people not only in front but behind the camera, who give their best efforts, day in and day out, to produce quality shows for our viewers,” pahayag ni Barbie.

Bahagi rin sa roster of Kapuso ambassadors for “Stream Responsibly. Fight Piracy.” Sina Voltes V: Legacy stars Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho, kasama rin ang co-Sparkle star nila na si Mikee Quintos.

Layunin ng kampanya na hikayatin ang mga manonood, lalo na ang mga nakababatang henerasyon na bigyan ng kahalagahan at halaga ang mga malikhaing gawa ng mga tao sa likod ng mga serye at pelikula sa pamamagitan ng panonood lamang sa mga ito mula sa mga lehitimong mapagkukunan.

Nilalayon din nito na turuan at itaas ang kamalayan ng publiko sa mga potensyal na pinsala ng pag-click sa mga pirated na website at app.

For more stories about the Kapuso network and its initiatives, visit www.gmapinoytv.com/subscribe or www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

    PLANO  ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.     Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.     Ayon kay […]

  • Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto

    TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.   Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.   “Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang […]

  • Travel ban, pinalawig ng Pilipinas dahil sa Covid -19

    PINALAWIG ng Pilipinas ang travel ban nito sa mga byahero na magmumula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa gitna ng muling pagkabuhay ng bilang ng COVID-19 cases.   Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang mga biyahero mula sa mga nasabing bansa ay hindi papayagan na makapasok ng Pilipinas mula Mayo 7 […]